^

Para Malibang

Umbagerong mister

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Myka, 32 at may asawang malupit na sa matagal na panahon ay pinagtitiisan ko. Bukod sa pagiging babaero, suga­rol at lasenggo, ay sinasaktan niya ako. Laging may pasa at bugbog ang aking katawan. Kahit walang kabagay-bagay ay kinagagalitan niya ako at inaaway. Pitong taon na akong nagtitiis sa ugali niya dahil mahal ko siya at mayroon kaming dalawang anak.  Pero napuno na talaga ako. Nang huling bugbugin niya ako ay nagsumbong na ako sa pulis at nakulong siya. Idinemanda ko siya. Subalit ngayo’y nakikiusap siya sa akin. Patawarin ko na raw siya at magbabago na siya. Gusto niyang mag-urong ako ng demanda. Dapat ko ba siyang pagbigyan?

Dear Myka,

Madaling magsabi ng “magbabago” pero kung tutuparin niya ‘yan ay wala kang katiyakan. Buhay mo ang nakataya. Baka dahil sa ginagawa mo ay buweltahan ka niya at lalong gulpihin. Mas makabubuting umiral ang batas. At kung posible, maaari kang magsampa ng annulment of marriage dahil ang ganyang pagmamalupit ng lalaki ay matibay na ground para pawalang bisa ang kasal.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

AKO

BUHAY

BUKOD

DAPAT

DEAR MYKA

DEAR VANEZZA

IDINEMANDA

KAHIT

LAGING

MADALING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with