^

Para Malibang

Sex drive killers (2)

MAINGAT KA BA!? - Miss S - Pang-masa

Kulang sa tulog

Kung wala nang gana sa sex, posibleng nakakaapekto sa iyo ang maagang pag-gising at late na pagtulog. Posibleng mayroon kang insomnia o sleep apnea. Kung anuman ang problema sa iyong pag-tulog ay may epekto rin ito sa iyong sex drive. Sikaping baguhin ang iyong sleeping habit. Maari ring kumunsulta sa doctor ukol sa problema sa pagtulog.

Pagiging Magulang

Ang pagiging magulang ay nakakaapekto rin sa inyong sexual activity. Mahirap ganahan sa sex kung may sanggol o batang katabi sa pagtulog. Subukang turuan na matulog sa sariling kuwarto o sariling higaan ang anak. Kung hindi naman ay kumuha ng magbabantay sa anak para magkaroon ng privacy. Puwede ring gumawa ng schedule sa pagse-sex kapag tulog ang bata o kapag nasa labas ng bahay ang mga bata.

Gamot

May mga gamot na puwedeng maging sanhi ng pagkawala ng libido.

Ito ay mga antidepressants, gamot sa blood pressure, antihistamines, oral contraceptives, chemothe­rapy, anti-HIV drugs, inasteride, at synthetic progesterone-medroxyprogesterone.

Maaaring makatulong ang pagpapalit ng ibang gamot o baguhin ang dosage para maayos ang problema.

Kung may pagbabago sa inyong sex drive kapag binigyan ng bagong gamot, kausapin ang inyong doctor. Hindi dapat itigil ang gamot na hindi isinasangguni sa iyong doctor. Itutuloy

Hindi magandang body shape

Minsan bumababa ang self-esteem kung hindi maganda ang katawan. Kung sa pakiramdam mo ay hindi ka sexy, minsan ay nakakasira ito sa iyong sex drive. Minsan nahihiya ka dahil pakiramdam mo ay mataba ka at minsan ay nakakawala ito ng ‘mood.’ Kung sa tingin mo ay ganito ang pakiramdam ng iyong partner, makakatulong kung iparamdam sa kanya na sa paningin mo ay sexy pa rin siya. Subukan ring mag-workout para tumaas ang self-esteem na magpapataas din ng sex drive.

Obesity

Kung ikaw ay overweight o obese, mahirap mag-enjoy sa sex. Mahirap magkaroon ng sexual desire at siyempre mahihirapan ding ‘mag-perform’.

Hindi malayong bumaba ang self-esteem, magkakaroon ng problema sa karelasyon, social stigma at iba pang psychological issues kapag mataba.

Mag-exercise, mag-diet, yun lang ang solusyon.

Erectile Dysfunction

Kung may erectile dysfunction (ED), siguradong apektado ang sex life. Ang ED ay iba sa pagkawala ng libido na ang ibig sabihin ay pagkawala ng sex drive). Ang mga lalaking may ED ay nag-aalala palagi sa kanilang magiging performance sa sex kasi nga kung hindi man mahirap magkaroon ng erection ay mahirap i-maintain ang erection. Dahil dito, nawawalan ng gana sa sex. Komunsulta sa doctor ukol sa problema sa ED.

Mababang Testosterone

Ang testosterone ay nagpapataas ng sex drive. Kapag tumatanda ang mga lalaki, unti-unting bumababa ang kanilang testosterone levels. Hindi lahat ng lalaki ay nawawalan ng gana sa sex kapag bumaba ang kanilang testosterone levels  ngunit possible ito. Kumunsulta sa doctor para sa testosterone therapy upang mabalik ang gana sa sex.

Depression

Nabanggit na natin na maraming antidepressants ang nagpapababa ng sex drive. Nawawalan din ng gana sa sex kung ikaw ay depress. Kung walang sex drive posibleng senyales ito na ikaw ay depressed. Ang clinical depression ay seryosong kondisyon ngunit may gamot at solusyun dito. Kausapin ang mga kapamilya, malapit na kaibigan ukol sa iyong problema.

Menopause

Maraming babae ang nawawalan ng sex drive kapag menopause na kahit na importante sa kanila ang magkaroon ng active sex life. Ang mga sintomas ng pagme-menopause tulad ng vaginal dryness at may nararamdamang masakit sa pakikipag-sex, ay hindi komportable kaya mawawalan ng gana sa sex.

 Ngunit ang  hormonal changes sa pagme-menopause ay isang aspeto lang ng sex drive, nariiyan pa ang  kalidad ng relasyon sa partner, body image at self esteem, mga gamot at ang kalusugan.

Intimacy

Ang sex na walang intimacy ay sex-drive killer. Ang intimacy ay importante sa babae sa pakikipag-sex. Kung walang buhay ang inyong sex life, subukang magkaroon ng oras para maging malapit sa isa’t isa, subukang buhayin ang romansa at maglambingan. Habang nagkakaroon ng intimacy, tumataas ang sex drive.

 

CENTER

DRIVE

ERECTILE DYSFUNCTION

GAMOT

KUNG

SEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with