^

Para Malibang

Nakakuha ng STD sa GRO

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago nyo na lang po ang totoo kong pangalan. Personal po kasi ang problema ko at medyo mabigat. Ako po’y first year college student. Niyaya ako ng mga katropa ko sa isang “red house”. Wala pa raw kasi akong experience sa sex kaya bibinyagan daw ako. Matapos ang isang linggo ay nahihirapan na akong umihi. Tapos may mantsa ang aking brief. Nakuha ko po yata ito sa babaeng ibinigay sa akin. Sinisik­reto ko po ito sa aking mga magulang at kapatid dahil nakakahiya at baka gulpihin ako ng tatay ko. Gusto ko sanang magtanong kung may alam ka bang effective na gamot. Nahihiya po kasi akong lumapit sa doctor. Sana’y matulungan mo ako.

Sagot:

Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong kumonsulta sa doctor na siyang may higit na kaalaman para magbigay at magreseta sa iyo ng mabisang gamot. Gawin mo iyan habang maaga para hindi na lumala pa ang karamdaman mo. Kung hindi, kakalat ang virus sa katawan mo at magkakaroon ng komplikasyong puwedeng mauwi sa mas malalang sakit o infection. Madali lang ang gamutan diyan pero talagang doctor lang ang tanging makatutulong sa iyo. Maging aral sana sa’yo ang naging karanasan mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DEAR VANEZZA

GAWIN

ITAGO

MADALI

MATAPOS

NAHIHIYA

NAKUHA

NIYAYA

SAGOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with