^

Para Malibang

‘Black Angel’ (17)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAKARAMDAM  ng panganib si Richard, pinaarangkada na ang kotseng dala-- sakay si Wendy.  BRRUUUMMM.

Pero hinabol sila ng mga bala ng lalaking bagong dating. PRAK-KATAK-KATAK-KATAAKK.               

Nagtitili si Wendy, kilabot na kilabot. “Eeeee! Eeeee!”

Halos mabangga ang kotse ni Richard sa pagtakas, napakabilis ng takbo sa madilim na daan.

 â€œRichard, merong stalled vehicle! Walang ilaw!”

 â€œOh my God! Aaaaahhh!”

Muntik na silang sumalpok, ga-hibla ang naging pag-iwas ng kotse ni Richard. “Siyet! Siyeeettt!”

 â€œSino ba ang namaril sa’tin?”

 â€œWendy, tiyak na kalaban! Alangan namang kakampi ko, di ba?”

 â€œHuwag kang mang-insulto, Richard! Paano kung ako ang tinamaan? Jeez, wala akong kaalam-alam sa raket mo! Mapapatay pala ako nang walang kalaban-laban!” Galit na galit si Wendy sa boyfriend.

 â€œL-ligtas na tayo…pansamantala. Hindi tayo nasundan, Wendy.”

Sa town house ng material girlfriend itinuloy ni Richard ang kotse. “Baba, dali!”

 â€œBakit dito sa bahay ko, Richard?  Inilalagay mo ako sa panganib!”

Pinayapa ng binata ang nobya. “Hindi nila alam ‘tong bahay mo, Wendy. Una nilang mamanmanan ang tirahan namin ng parents ko…”

Napantastikuhan ang dalaga. “What? Okay lang sa ‘yo na ang parents mo naman ang ma­nganib…?”

 â€œI didn’t say that. Ang sabi ko, mamanmanan nila ang bahay namin—not necessarily mamamaril sila sa parents ko…”

Napapailing ang dalagang materyosa. Nagkulong agad sila sa loob ng bahay, malayo sa mga bintanang de-salamin.

Ibinilin din ni Wendy sa gate guards na huwag magpapapasok ng mga taong naghahanap sa kanila ni Richard.

Hindi mapakali si Richard. “Kung totoong may concern sa kapakanan ko ang Black Angel, dapat niyang sabihin ang solusyon. Ngayon siya dapat magpakita, Wendy.”

Nagpakita nga ang anghel na itim.

“Holy shit, speaking of the devil!” bulalas ni Richard. (ITUTULOY)

 

 

 

 

                 

                 

 

vuukle comment

AAAAAHHH

ALANGAN

BAKIT

BLACK ANGEL

EEEEE

GALIT

RICHARD

WENDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with