^

Para Malibang

‘Black Angel’ (14)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“ANONG klaseng kasalanan sa mga tao ang ginagawa ni Richard? Tell me, Black Angel! Sabihin mo!” sigaw na ni Wendy. Saka naunawaang mali ang sinabi. “A, siyet, hindi ka nga pala nagsasalita!”

Gigil na ibinalik ni Wendy sa Black Angel ang ballpen at bagong papel na blangko, wala pang sulat.

Umiling ito, hindi na raw kailangan ang bagong papel. Hiningi ang dating letter envelope.

Saka nalaman ng dalaga na wala na pala ang mga naisulat  dito ng Black Angel; mala-magic na nabura, naglaho.

“Fine, ano ang ipakikita kong ebidensiya ng encounter natin, ha, ex-priest a.k.a. Black Angel?”

Hindi nito pinansin ang patutsada ng material girl. Isinulat ang sagot sa unang tanong ni Wendy.

“Ikaw ang dapat tumuklas, Ms. Wendy. Binigyan na kita ng babala. Malaki ang papel mo sa mga krimen ni Richard,” sabi nito sa sulat.

Lalo lamang naguluhan ang dalaga. “Gumagawa na ng krimen ang boyfriend ko? At may kaugnayan ako? You must be crazy!”

Mabilis na muling sumulat ang Black Angel, ipinabasa kay Wendy.

“Malagim ang magiging kabayaran, kapag hindi nagbago ang nobyo mo. Hindi siya laging susuwertihin.”

Kasabay ng pagkawala ng nakasulat, naglaho na rin ang Black Angel.

“Siyet! You are out of your mind, ex-priest Adolfo!” Ibinato ni Wendy sa kongkretong dingding ang piguring kristal.

KRASSHH-PLIINNK!

Basag na basag iyon, kumalat ang bubog.

Napahagulhol sa kalituhan at pangamba si Wendy. Dumiin sa diwa ang mga sinabi ng Black Angel.

SINUGOD niya agad si Richard. Ang huli ay natagpuan niyang palabas na ng evening class, sa unibersidad.

“Wendy, what’s up? Bakit super-simangot ang mukha mo?”

“We need to talk, ngayundin. Tonight,” gigil na sabi ng dalaga, pigil ang emosyon at takot.

Napapangiti si Richard, ayaw seryosohin ang girlfriend.

“Richard, sabi sa akin ng Black Angel, marami kang krimen na sangkot ako! Ano’ng ibig sabihin no’n?” (ITUTULOY)

vuukle comment

ADOLFO

ANGEL

ANO

BAKIT

BLACK

BLACK ANGEL

MS. WENDY

SAKA

WENDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with