^

Para Malibang

‘Black Angel’ (13)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“ANG SABI KO, ano ang kailangan mo sa akin, Ex-Priest Adolfo?” nagtatapang-tapangang ulit ni Wendy sa black angel. Nakatapi na ng tuwalya ang dalagang super-materyosa.

Binuksan ng itim na anghel ang pinto ng bathroom, itinuro kay Wendy ang salas ng townhouse nito.

Sumunod naman si Wendy, tinapunan ng tingin ang munting altar na may dalawang malalaking rosary; sakaling gagawa ng mahalay ang black angel, tatakbuhin niya agad ang benditadong rosaryo.

Posible ring ang ibubuhos niya sa ex-priest ay ang benditadong holy water na mula sa Lourdes. Kumpleto sa religious items ang material girl.

Nagbukas ng drawer ang black angel, nakakuha agad ng letter envelope saka ballpen.

Wala nga pala itong kakayahang magsalita, naalala ni Wendy.

Nagsulat sa labas ng letter envelope si Ex-Priest Adolfo, a.k.a. Black Angel. Nakamasid sa di-kalayuan si Wendy.

Na-imagine ng material girl ang anyo nito noong nabubuhay pa. Guwapong more or less ay 40-year old,  mahaba ang makapal na buhok na  hanggang balikat, makisig at maganda ang physique. Tipong kalolokohan nga ng sinumang babaing mahilig laluna ng young matrons.

Iniabot ng black angel kay Wendy ang letter envelope, ipinabasa.

“Pasensiya na kung sa bathroom ako lumitaw, may limitasyon ang kakayahan ko, Ms. Wendy. Pero may kailangan ako sa iyo—napakaimportante…”

Naalarma si Wendy. “Binabalaan kita, ex-priest—hindi ako makikipag-sex sa iyo! Over my dead body!”

Umiling agad ang black angel, nagtaas ng kamay; lumarawan sa mukha ang kabiguan—na hinusgahan na siya ng dalaga.

Ibinalik ni Wendy sa itim na anghel ang ballpen pati letter envelope.

Nagsulat agad ito ng sagot. “Hindi sex, napaso na ako doon, Ms. Wendy. Gumagawa si Richard ng napakalaking kasalanan laban sa  tao, dapat mapigil.”

Natigilan ang dalaga. “K-kasalanan, against humanity? Iyon ba ang  ibig mong sabihin?”  

Tumango ang black angel. Hindi nagbibiro.  (ITUTULOY)

vuukle comment

ANGEL

BINABALAAN

BINUKSAN

BLACK

BLACK ANGEL

EX-PRIEST ADOLFO

MS. WENDY

NAGSULAT

WENDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with