^

Para Malibang

Inaakit ng estudyante

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Prof, may asawa at bago pa lang nagtuturo sa isang university. Ang problema ko, isa sa mga estudyante kong babae ay nagpapakita ng motibo sa akin. Maganda siya but I don’t think I like her. Masyado siyang malagkit kung makatitig sa akin at hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pagtuturo. Kahit  papaano, natitinag din ang pagkalalaki ko at natutuksong patusin ang babaeng ito. Pero, umiiral pa rin ang katinuan ng aking isip. Natatakot din ako na matsismis kami at baka matanggal ako sa trabaho. Until very recently, tumanggap ako ng love note sa kanya categorically saying that she loves me. What will I do to get rid of her na hindi naman siya masasaktan o maiinsulto?

Dear Prof,

Talk to her and tell her frankly na itigil na niya ang pang-aakit sa’yo. Kung minsan, may mga pagkakataon na ang tao’y dapat maging prangka. Sa ganyang sitwasyon, hindi kailangang umiral ang diplomasya. Ipakita mo ang pagka-propesor mo na dapat galangin ng estudyante. Just make the first step at makikita mo na titigil din siya. Mahirap kung magtitimpi ka sa iyong sarili dahil baka habang nagtatagal ang flirtation niya sa iyo ay tuluyan kang bumigay. Panatilihin mo ang iyong katatagan. Marami diyan na kahit hindi pinagpapakitaan ng motibo ng estudyante ay nagsasamantala sa kanila. Inaalok pa yung mga hindi outstanding sa klase na bibigyan ng magandang grade kapalit ng you know what. At hanga ako sa’yo dahil iba ka sa kanila.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

DEAR PROF

DEAR VANEZZA

INAALOK

IPAKITA

KAHIT

MAGANDA

MAHIRAP

MARAMI

MASYADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with