‘Acupuncture’ (2)
Mga sakit na ginagamitan ng acupuncture
1. Chemotheraphy na nagdudulot ng pagkahilo at pagsusuka.
2. Pamamaga ng litid.
3. Myofacial pain-pabalik-balik o malubhang paÂnanakit.
4. Pananakit ng kalamnan at mga buto.
5. Pananakit ng mga kamay at daliri.
6. Stroke rehabilitation.
7. Pulikat dulot ng buwanang dalaw.
8. Nararamdamang sakit pagkatapos bunutan ng ngipin.
9. Pananakit ng mga buto, pagod at panghihina.
10. Osteoarthritis
11. Pananakit ng leeg.
12. Adiksiyon
13. Pananakit ng ulo
14. Hika
Ang acupuncture ay napatunayang ligtas at may napakaliit na panganib kung ito ay gagawin ng walang kaukulang pag-iingat. Dapat itong itigil kung may roong abnormal na pag durugo, pagdadalang tao ng isang ina, abnormal na pintig ng puso, may nararamdamang pananakit, pagkabalisa, may pasa sa balat, pamamantal sa balat at nahihirapang huminga.
Ang acupuncture ay isang sinaunang pang lunas ng mga sakit na puwedeng alternatibong pamamaraan pang lunas sa mga nararamdamang sakit at hapdi ng isang pasyente, ito ay dapat ginagawa lamang ng may kaukulang pag-iingat at pag-aaral para sa kaligtasan ng pasyente. Sa kasalukuyang panahon marami na ang mga makaÂbagong pamamaraan ng paggagamot ngunit tayo ay gumagamit pa rin ng mga sinaunang pamamaraan ng panggagamot sa kadahilanang ang mga ito ay napatunayang epekÂtibo sa mga nagdaang panahon.
- Latest
















