‘Black Angel’ (11)
HINDI makapaniwala sina Richard at Wendy sa pahayag ni Pipoy Dacuycoy. “A-ang black angel pong nakakakila sa inyo—isang pari?â€
Tumango ang kagalang-galang na maliit na lalaki. “Dating pari, iho. Past tense, patay na si Adolfo…si Adolfong gago.â€
“Gago po…?â€
Tumango ang maliit na lalaki. “Ano ba ang itatawag mo sa napakabuting pari na napatangay sa tukso ng kamunduhan?
“Hindi pala sumalangit ang kanyang kaluluwa. Naaawa ako sa kanya, sa totoo lang. Magkaibigan kaming matalik.â€
“Masyado kaming naiintriga, Mr. Dacuycoy. Paanong naging black angel ang pari? Ano ‘yung sinabi mong natalo siya ng kamunduhan?â€
Nagsalaysay si Pipoy Dacuycoy, halos detalÂyado. “Noong mabuting pari pa si Adolfo, lahat ng lihim namin ay bukas na aklat sa isa’t isa. Naikuwento niya ang pagiging malapit sa kanya ni Mrs. Chona Guevarra. May asawang tao si Chona, pero ayaw tigilan sa pang-aakit si Adolfo…
“Dati, ako ang nagkukumpisal kay Father AdolÂfo ng mga kasalanan ko. Noong nasabit na siya kay Chona, sa akin na siya nagkumpisal. Nahihiya kasing sa kapwa pari magkumpisal ng mortal na kasalanan…â€
Napalunok sina Wendy at Richard. “Pumatol pala siya kay Mrs. Chona Guerrero?â€
“Oo. Iyon ang huling kumpisal ni Adolfo, my friend. Ang sumunod na nangyari ay trahedya, nalaman ko na lang sa report ng pulisya…
“Nahuli sa akto sina Chona at Adolfo ng husband ni Chona, inumangan ng baril si Adolfo. Nagpambuno sila, naagaw ni Adolfo ang baril, di-sinasadyang nabaril niya ang husband ni Chona, patay…â€
Hambal sina Richard at Wendy.
“A-At ano ang nangyari, Mr. Dacuycoy?â€
“Labis na na-guilty si Adolfo, right then and there ay nagbaril sa sarili, nagpakamatay. Hindi na umabot sa ospital…â€
PABALIK na sa Manila sina Richard at Wendy, hindi pa rin makapaniwala na naging black angel ang dating mabuting pari.
“So…what now? Hindi pa rin naso-solve ang problema mo sa black angel, Richard. Hindi siya nangako na hindi ka na bubuwisitin…â€
“Tatanungin ko na siya—kung ano ang kailangan niya sa akin, Wendy. Kailangan pa bang ipa-exorcise ko siya?†(ITUTULOY)
- Latest

















