^

Para Malibang

Tapyasin ang ‘Beer Belly’

Ms. Jewel - Pang-masa

Kahit anong okasyon ay hindi maaaring mawala ang inuman. Isa na kasi ito sa mga paraan ng mga Filipino ng pagpapahayag ng kasiyahan. Dahil dito patuloy na tumataas ang bilang ng mga lalaking malaki ang tiyan. Kapag malaki ang tiyan ng isang lalaki, nakakabawas “pogi point” daw ito. Dahil isa sa mga rekwisitos para matawag kang “Mr. Muscle” ay  dapat  na “flat belly” ka at hitik sa muscles ang iyong “abs” o tiyan. Kaya lang minsan, dahil sa katakawan sa pagkain at alak, mahirap itong makamtan ng maraming kalalakihan. Karamihan din tuloy ay nagtatanong paano nga ba tatapyasin ang taglay niyang “beer belly”? Tingin ko naman ay walang eksaktong formula para dito at tanging disiplina sa sarili ang susi para maalis ang mala-maletang tiyan mo. Narito ang ilang hakbang:

Iwasan ang pagiging “masiba” sa pagkain – Kaya lang tumataba ang isang tao ay dahil sa higit na pagkain ang isinisiksik niya sa kanyang tiyan at kailangan ng katawan upang magkaroon ng sapat na lakas sa mga ginagawa niya. Dahil sa sobra ang pagkain na inilalagay mo sa iyong katawan, hindi na nito naico-convert sa enerhiya ang pagkaing ito kaya nagiging taba sa loob ng katawan particular na sa iyong tiyan. Kaya kumain lang ng tama o sapat sa pangangailangan ng iyong katawan at hindi para palobohin ang iyong tiyan.

Magkontrol sa pag-inum ng alak – Kung tila drum ang iyong tiyan kapag umiinom ka ng alak, dapat mong tingnan na lang ito bilang tabo o timba. Bakit? Dahil kung iimbakan mo ng sangkaterbang beer ang iyong tiyan, hindi imposibleng lumaki ito dahil sa taglay na calories ng beer. Kung iinom ka ng halos kahalating kahon ng beer o 12-bote, para ka na rin kumain ng sabay ng tanghalian at hapunan kasama na ang meryenda at agahan sa kinabukasan dahil tiyak na sa rami ng iyong nainom ay madami ka na rin nakain na pulutan. At dahil nakaupo ka lang kapag ikaw ay umiinom ng beer, hindi natutunaw ang mga calories na nakuha mo sa pulutan at sa beer kaya presto! Iimbakin na lang ito ng iyong katawan bilang taba sa iyong tiyan.

Mag-ehersisyo – Kung sa tingin mo ay hindi mo maiiwasan ang uminom ng beer, hindi mo rin dapat iwasan ang pag-eehersisyo lalo na ang pagsi-sit-ups o “crunches”. Makakatulong ito sa pagpigil ng paglobo ng iyong tiyan. Dahil sa iyong pag-eehersisyo, matutunaw ang calories na mula sa beer at pulutan.

BAKIT

BEER

DAHIL

IYONG

KAYA

MR. MUSCLE

TIYAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with