^

Para Malibang

‘Black angel’ (5)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAKATUTOK sa mukha ng guwardiya ang service pistol na nakalutang sa ere; posibleng pumutok ang baril anumang sandali.

“Uuunnn.” Hinimatay ang guwardiya ng unibersidad, patihayang napahandusay, hindi natagalan ang kilabot.

Kusang nalaglag sa tiyan nito ang baril na nasa hangin. Blag.

Saka naman lumitaw ang may kagagawan ng hiwaga. Ang matangkad na lalaking mahaba ang buhok at kulay-itim ang suot pati ang mga pakpak.

Ang mismong black angel. Hinakbangan nito ang nakahandusay na guwardiya, tinalunton ang corridor na wala nang tao.

SI RICHARD Dineros, ang graduating college student na tanging nakakita sa black angel, ay nasa labas na ng campus.

Kakontak niya sa cellphone ang mga tao na pinagkukunan ng malaking kita; ang nagbibigay sa kanya ng big cash.

“Darating ako sa tagpuan, bossing. Pasakay na ako ng taxi.”

“Kanto ng 9th and 11th street ang pick-up point, Dineros. Tindero ng fishball na ang password ay ‘Bakekang’. Itutuloy mo sa 21 Street corner Mariposa—ibibigay mo ang ‘Bakekang’ sa matabang ale na nagtitinda ng balut. Aalis ka na at pupunta sa puwesto ko para sa iyong TF.”

Talent Fee ang TF. Ito ang inspirasyon ni Richard sa paggawa ng hindi dapat ginagawa ng matinong mamamayan.

Sakay na siya ng taxi, kinakalaban ang sundot ng kunsensiya. “Paano ang mga biktima, ha, Richard? Masisira ang buhay nila…”

“Wala akong pakialam sa kanila,” salag ni Richard.

Narinig siya ng taxi driver. “Ako ba ang kinakausap mo, bro?”

“Hindi. Hindi ikaw. Mag-drive ka lang, okay?” mahinahong sagot ni Richard. Napapailing.

Ang lahat ay ginagawa niya para kay Wendy, his girlfriend. Mahal na mahal niya si Wendy na pati ang bawal ay handa niyang tawirin.

Huminto sa harap ng traffic light ang taxi. Nagtawiran ang mga pedestrians. Napaigtad si Richard, nakilala ang isang tumatawid.

“A-ang lalaking nagpapanggap na black angel! Siya nga!”

Nakaitim ito, kumpletong may malalaking pakpak na itim, obvious na hindi pinapansin ng mga tao.

Tumingin ito kay Richard, kumaway na walang ngiti. (ITUTULOY)

vuukle comment

AALIS

BAKEKANG

BLAG

HINAKBANGAN

HINIMATAY

HUMINTO

RICHARD

TALENT FEE

WENDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with