^

Para Malibang

‘Sana 3 ang puso ko’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Dan, isang working student. May 3 akong gf. Ang problema ay pare-pareho ko silang mahal. Wala akong itulak kabigin dahil nasa kanila ang mga katangiang hinahanap ko sa isang babae. Hindi sila magkakakilala. Yung isa classmate ko. Yung isa ka-officemate ko. Kababata ko naman yung pangatlo at kapitbahay ko pa. Lahat sila ay mababait at tapat magmahal kaya natuturete ako. Ayaw kong masaktan ang sino man sa kanila kung makikipag-break ako. Tulungan mo sana akong magpasya.

Dear Dan,

Kapag nagkabukingan, siguradong ikaw ang masasaktan nang husto dahil malamang sabay-sabay kang lalayasan ng mga babae sa buhay mo. Ang problema mo ay mahal mo silang lahat. Ngunit isa lang sa kanila ang puwede mong tuluyan kaya ngayon pa lang at mag-decide ka na. Ikaw lang ang puwedeng magpasya para sa sarili mo. At kung makapagdesisyon ka na, hindi puwedeng walang masaktan sa kanila. Huwag mong asahan na kapag kinalasan mo yung dalawa ay ituturing ka pa nilang kaibigan. Harapin mo ang consequence ng pakikipag-gf ng marami.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AYAW

DEAR DAN

DEAR VANEZZA

HARAPIN

HUWAG

IKAW

KABABATA

KAPAG

LAHAT

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with