^

Para Malibang

‘The beautiful ones’ (30)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

WANG-wang-wangg-waanng! Ingay ito mula sa police car na kinalu­lulanan ni Oreo. Nakabalabal ng malaking kapote ng pulis ang bading na halos hubo’t hubad.

“Dalian natin, officers! Doon nagpunta ang mga zombies ko! Papatay sila ng mga tao anumang sandali!” Nakaturo si Oreo sa madilim na daan.

“Ang sabi mo ba’y nakipag-deal ka sa demonyo, kaya ka nagkaroon ng mga zombie?” tanong ng hepe kay Oreo.

“Tama po, officer! Pero nakipagkasira na ako sa kanya! Kumampi na ako kay Lord! Galit na galit ang demonyo—babalikan daw ako!”

“Ano ang sagot mo?”

“Sabi ko, ‘F You, Satanini! Go to hell!’ Ha-ha-ha!”

NANG mga sandaling iyon, narating na ng magagandang zombies ang bahayan sa bukid. Nilusob ang kubo ng natutulog na mag-anak.

“Eeeee! Eeeee!” Tilian ang nanay at mga anak. Ang tatay ay nakahagilap agad ng gulok.

Si Hollywood actress ang sumunggab sa batang babae.  “Eeeee! Inaaayyy!”

Ang nanay ay nadakma na ni Talipapa Queen.  Kakagatin na sa leeg. Hinimatay na sa takot ang ginang. “Uuunnn!”

Nakikipaggirian kina Dirty Politician at  Heneral Kopong-kopong ang lalaking may gulok.

 â€œHindi ako natatakot sa inyo! Pababalikin ko kayo sa hukay!”

“Saklolo! Sinalakay kami ng mga buhay na patay! Saklolooo!” Nakatakas ang anak na binatilyo, nanggising ng mga kapitbahay.

Saglit pa’y pasugod na ang kalalakihan, pawang armado ng itak.

“Tandaan ang bilin ko—sa ulo ang kanilang kamatayan!” sigaw ng lider.  “Huwag pakakagat! Magiging zombie ang sinumang makakagat”

HUMINTO sa gitna ng madilim na highway ang police car. Taka si Oreo.  “B-bakit tayo tumigil, officers?”

“Nando’n sa bukid ang mga zombie mo, Oreo. Ililipad ka namin!”

Taka ang binabae. “I-Ililipad…?”

Nagbago ng anyo ang dalawang kausap—naging mga demonyong may pakpak, sungay at tulis na buntot.

Inilipad agad si Oreo. “Aaaahh! Ibaba n’yo akooo!” TATAPUSIN

vuukle comment

AAAAHH

DIRTY POLITICIAN

EEEEE

F YOU

HENERAL KOPONG

OREO

SI HOLLYWOOD

TALIPAPA QUEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with