^

Para Malibang

‘The Beautiful Ones’ (27)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“BALIMBING ka at walang word of honor, Oreo! Lalo mong sinagad ang pasensiya ko!  Hindi lang nakipag-usap ka sa mga kaaway, ininterbiyu mo pa!” sigaw ng demonyo, sa mismong mukha ni Oreo. Naamoy ng huli ang napakabahong hininga ng taga-impiyerno.

Pinormalan ni Oreo ang demonyo. “Kuwan, napag-isip-isip kong isoli na lang sa iyo ang m-mga zombie…” Nag-ungulan ang beautiful ones. “Ngizzz. Graaalll. Uuunnng.”

 Ewan kung ano ang ibig sabihin ng magagandang bangkay. “Magsitahimik muna kayo, mga alagad. Kausap ko si Satanini.”   “Ulul!” sabi ng demonyo, sabay kumpas sa mga zombie.

Bago pa nakaiwas ang bakla, nayakap na siya ng mga guwapong bangkay—ang heneral ng kopong-kopong at ang dirty politician.

Sina Talipapa Queen at Hollywood Actress naman ay nagsayaw ng dirty dance, halos ipakita ang mga dibdib kay Oreo.

“Hoy, ano ba?  Ano’ng nais ninyong patunayan—na ako’y maaakit ninyo sa sex? Nagkakamali kayo, mga alagad! Tigilan ninyo ako!”

“Tangengo! Hindi ka nila inaakit, Oreo—unti-unti ka na nilang papatayin. Ikaw ang gagawin nilang hapunan.” “Graalll.” Nginatngat ng dirty politician ang bisig ni Oreo. Napaaringking sa sakit ang binabae. “Aaaahh!”

Kinagat siya ng heneral sa balikat. “TSAK.”

Lalong napasigaw si Oreo. “Huwaaagg!” Duguan na si Oreo, sabay na dinilaan ng dalawang sexy zombies ang dugo sa kanyang mga sugat. Sluuurpp. Swuurrpp. “Satanini, napakasama mooo!” sigaw ni Oreo, nangi­nginig sa lagim. “Patikim lang ‘yan, Oreo. Maghintay ka—pagdating mo sa aking kaharian, saka mo masasabing NAAAAPAKASAMA ko nga.”

Sa nanlalabong tingin ni Oreo, natanaw niya ang rosaryong itinapon niya kanina; rosary iyon ni Tiyo Berong. Nagawa niyang kumawala sa mga zombie; nilundag na ang rosaryo, una ang dibdib na sumadsad sa lupa. BLAGG. Inilapit agad iyon ni Oreo, walang babalang isinabit sa leeg ng demonyo. Umusok ito, humiyaw sa sakit. EEIIIYAAAHH! (3 LABAS)

 

 

vuukle comment

AAAAHH

ANO

HOLLYWOOD ACTRESS

OREO

SATANINI

SINA TALIPAPA QUEEN

TIYO BERONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with