‘The beautiful ones’ (20)
Isa sa tatlong lalaking nais magsamantala ang nasunggaban agad ng talipapa queen zombie. Gimbal na tumakbong palayo ang dalawa pa—sa riles ng tren napagawi.
“I-report natin agad kina Barangay tserman, dali!â€
“Nayari si Apeng, wakwak agad ang leeg at mukha niya!â€
May nakaharang sa dadaanan ng dalawa, biglang napahinto. “Ano’ng…?â€
“P-Pareng Saro, m-mga zombie r-rin…â€
“Lapit dito! Ngayundin!†utos ni Oreo, malamÂya ang tinig, nakatikwas ang mga daliri.
“Bakla a-ang lider ng mga zombie, Pareng Martin…akalain mo!†Napaliligiran na sila ng magagandang alagad ni Oreo.
“Lalapit kayo ngayundin, o, patatanggalan ko muna kayo ng ulo?†banta ni Oreo, inis na.
Walang nagawa ang dalawang lalaki, lakas-loob na lumapit. “H-hindi po k-kami magsusumbong, boss…w-walang makakaalam na meron k-kayong m-mga zombie…â€
“Alam kong patambay-tambay kayo, mahilig maglasing, gusto n’yo pang reypin ang alagad kong mahilig kumanta. Meaning walang kuwenta ang buhay ninyo sa mundo.â€
“Puwede po n-naman kaming magbago, b-bossing.â€
“Huli na, nakatakda kayong umalis ngayong gabi. Meron kayong pupuntahan.â€
BWUUUT. BWUUUT. Silbato iyon ng tren.
“M-Meron po kaming p-pupuntahan? S-Saan po …?â€
“Sa impiyerno,†bulong ni Oreo, sabay senyas sa mga alagad.
Nilunod lang ng ingay ng papadating na tren ang hiyaw ng pinapatay. “Aaaaahhh!†TSUG-TSUG-TSUUG.
Tatlo ang nadagdag sa listahan ng mga ipinapatay ni Oreo sa kanyang beautiful ones. Ayaw niyang isiping lalong natutuwa si Satanas, dahil mas mapapadali ang pagkuha nito sa kanyang kaluluwa.
Idinaan sa biro ni Oreo ang usapan nila ng demonyo. “HOY, SATANINI, HINDI MO MAKUKUHA ANG AKING KALULUWA—DAHIL…WALA AKONG KALULUWA! HA-HA-HA-HAA!â€
(Itutuloy)
- Latest