‘The beautiful ones’ (19)
NAPATINGIN sa umaawit sa dilim, sa kalapit na riles ng tren, ang mga naglalamay sa patay.
Maganda ang tinig ng babaing mahugis ang katawan, halatang naka-sexy evening gown.
May karakter ang tinig ng zombie na dating reyna ng talipapa. “…Oh…tuksooo…layuan…mo…akooo…â€
“Pero bakit kaya napakabagal ng tempo?â€
“At bakit nasa diÂlim…?â€
Nagbulungan. “Tara, lapitan natin! Baka naghahanap ng good time!†Iba ang interes ng tatlong laÂlaki; pawang nakaiÂnom sa lamay.
Pasimpleng tinuÂngo na ang kinaroroonan ng umaawit.
“Kapag maganda, yariin agad natin. Hilahin sa talahiban.†“At kapag pangit…?â€
“Suntukin at itali sa riles ng tren!â€
“Ha-ha-ha-haa!†Tawanan ang tatlong tarantado.
Nakikita ng reyna ng talipapa ang palapit na mga lalaki. Mula naman sa di-kalayuan, sa van, nakikita ni Oreo ang nagaganap. Kasama niya ang mga zombie; nananabik na namang kumain ng taong buhay. Naglalaway na ang mga ito. “Ngizzz. Ngaarrll.â€
Nakalapit na ang tatlong tarantado. Namangha sa hugis ng katawan at ganda ng mukha ng umaawit.
Pinalibutan agad ito. “Miss, gud ibning! Ang ganda-ganda mo kahit super-maputla ang make-up moâ€.
“Pulbo ba ‘yan o arina ng tinapay?â€
“He-he-he. Para ka tuloy magandang zombie…â€
“Zombie…nga…ako…†sagot ni Talipapa Queen, sabay tabingi ng ulo at ngaÂnga ng bibig.
Nanayo ang buhok ng tatlong tarantado, nawala ang kalasiÂngan. Nakita na yata ang impiyerno sa mga mata ng zombie.
Pero isa agad ang nadakma ng reyna ng talipapa. “Huli…ka…†Nakagat agad sa leeg. “Ngazabb. Ngazabb.â€
Nginalot ang mukha ng biktima. “Krantzz. Krantzz.â€
(ITUTULOY)
- Latest