^

Para Malibang

‘The beautiful ones’ (17)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“IKAW nga, aki­ng mahal na general, nabuhay ka kahit nagkalasug-lasog ka sa pagsabog!” maluha-luha sa galak na sabi ni Oreo, muntik nang mayakap ang malansang zombie.

“Isn’t I amazing, ha, bakla?” nagyayabang na tanong ng demonyo.

“Amazing pero nagawa mo lang dahil demonyo ka, merong powers! Kaya ko rin ‘yan kung ako ang nasa shoes mo, Satanini!”

“Whatever! Nagpakita ako para ipaala­lang umiikli na ang kandila mo, Oreo! Limang taon na lang ang buhay mo!”

Mangha si Oreo. “Paanong nangyari ‘yon e kauumpisa pa lang ng kontrata natin? 20 years ang deal natin, demonyo ka!”

“Mali ka diyan, bading! Sa dami ng pinatay ng mga zombie mo—sa utos mo—ikaw ay nabawasan ng labinlimang taon!”

“Aba-aba, hindi ko alam ‘yan! Wala sa usapan!”

“Hindi mo kasi binasa ang fine prints ng kontrata, baklekoy! Basta ka pumayag! Kasalanan mo ‘yon!”

Gigil na gigil si Oreo. “Bigyan mo ako ng kopya! Niloloko mo ako!”

Sa isang kumpas ay nakapag-produce ng kopya ng kontrata ang devil. “Here, swarding! Iyo na!”

Tinunghayan ni Oreo noon din. Nakita ang maliliit na probisyon ng kontrata, pati lagda niya. “Oh my papa! Napakatanga ko!”

 â€œ5 years ka na lang at akin na ang maitim mong kaluluwa!”

“Hindi ito parehas, ‘Tanas! Kaya nga ako nagpagawa ng beautiful zombies, para maghasik ng lagim! Kasama ang pagpatay! I object!”

Umiling ang prince of darkness.  “Walang object-object sa akin, badaf! Darating ako para kunin ka na—very soon!”

BLABB. Sa isang iglap ay naglaho na ang demonyo.

“Hindi mo na ako matatakot, Satanini! Gagawin ko ang dapat kong gawin! Lalo akong magsasabog ng lagim! Basta may 20 years pa ako, hindi lima na lang!”

Tinipon ni Oreo ang mga alagad, sa labas ng family van. “My beautiful ones—hahanapin na natin ang Tito Berong ko! Gugutayin ninyo siya nang buhay!”

SI TIYO Berong ay malakas pa kahit matanda na. Matagal na itong nagsisisi; nagbalik-loob na sa Diyos.”  (ITUTULOY)

vuukle comment

AKO

BERONG

BIGYAN

DIYOS

GAGAWIN

KAYA

OREO

SATANINI

TITO BERONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with