^

Para Malibang

Paano magiging ‘sexy’ si ate?... Last part

Pang-masa

Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano mo mapaparamdam kay misis na siya ay seksi pa rin para sa’yo. Narito ang ilang paraan:

Gawin siyang espesyal – Minsan, kahit seksi pa rin si ate, hindi niya ito nararamdaman dahil sa kakulangan ng “appreciation”. Trabaho ng mga lalaki na iparamdam sa mga babae na sila ay espesyal. Ipaalam mo rin sa kanya kung gaano siya kagaling bilang isang ina. Maaari mo siyang bigyan ng bulaklak kahit na walang okasyon. Mabuti din kung tutulungan mo rin siya sa mga gawaing bahay. Madali lang gawin ang mga bagay na ito, ngunit mahalaga ito para kay ate.

Makinig sa kanya – Karaniwan na sa mga lalaki na palaging sila ang mag-isip kung paano mareresolba ang problema sa loob ng bahay. Ngunit kapag naririnig mong maraming reklamo si ate, hindi ibig sabihin nito ay pinagagawa ka niya ng solusyon, minsan, nais niya lang ng isang makikinig sa kanya. Iparamdam mo sa kanya na siya ang pinakaimportanteng tao sa planeta kapag nakita mong siya ay nagmo-moment.

Makipag-usap sa kanya – Wala ng iba pang makakapagbuo ng matibay na koneksiyon ng dalawang tao kundi ang pag-uusap ng tapat. Sabihin mo sa kanya kung gaano siya kaimportante at kaseksi sa’yo. Kapag mauuna kang umalis sa kanya ng bahay, bakit hindi mo siya iwanan ng maikling sulat na kikiligin naman siya.

Public Display of Affection – Patuloy na lagyan mo ng passion ang inyong relasyon sa pamamagitan ng paglalambing sa kanya. Maaaring minsan ay ipakita ito kahit kayo ay nasa publiko, ngunit tiyakin na hindi naman ito malaswa. Puwedeng paminsan-minsan ay halikan mo siya, yakapin at kilitiin.

 

GAWIN

IPAALAM

IPARAMDAM

KANYA

KAPAG

KARANIWAN

PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with