^

Para Malibang

Ayaw paligawan ng magulang

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ang problema ko ay tungkol sa aking magulang na overprotective. Ayaw nila akong maligawan. Sinusundo pa ako sa school ng kuya ko. Mas maluwag sila sa kuya ko dahil lalaki raw. Hindi ba natural lang sa edad kong 18 ang magkaroon ng admirers? Minsang nagsabi ako na may gustong umakyat ng ligaw sa akin ay tumutol sila. Galit na sinabing ayaw nilang may lalaki na hindi namin kamag-anak na papanik sa amin para bisitahin ako. Mabait naman akong anak at alam ko ang limitations ko. Ngunit hindi ba kapag ganyan kahigpit ang magulang ay lalong nagwawala ang mga anak? Nagi­ging rebelious nga yung iba na pinaghihigpitan masyado ng parents nila. Ano kaya ang dapat kong gawin para magbago sila ng ugali? - Candy

Dear Candy,

May kasabihan na kapag dumakot ka ng buhangin at pinahigpit ang pisil ng iyong mga palad, tatapon ang buhangin. Pero kung katamtaman lang ang hawak dito ay mananatili ito sa iyong palad. Mabuti na lang at ikaw ay isang anak na may matuwid na pag-iisip. Ang masasabi ko’y keep it up at huwag ma­ging rebelde sa attitude ng mga magulang mo. Marahil ay nais nilang makatapos ka muna ng pag-aaral. Ituloy mo lang ang pagiging isang mabuting anak at dara­ting ang araw na maiintindihan ka rin nila.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

ANO

AYAW

DEAR CANDY

DEAR VANEZZA

GALIT

ITULOY

MABAIT

MARAHIL

MINSANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with