^

Para Malibang

Insecure sa trabaho

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Berni. Isa akong buko vendor at sa aking pagtitinda ay nakilala ko si Jean. Matandang dalaga na siya at 41 anyos. Ako ay 37 anyos at binata pa naman. Nasabi niya sa akin minsan na naging man-hater siya dahil puro mapagsamantala lang daw ang mga lalaki. Naging suki ko siya dahil madalas niyang ipinaparada sa harap ng kariton ko ang kanyang kotse. Mabait siya sa akin pero hindi ko malaman kung may gusto siya sa akin. Nababasa ko kasi sa mga mata niya na may gusto siya sa akin pero natatakot naman akong dumiskarte dahil sa kalagayan namin. Isa akong buko vendor at siya nama’y isang propesyunal. Anim na buwan na kaming magkakilala at hanggang ngayon ay nangingimi akong manligaw. Natatakot ako na baka kung magtapat ako sa kanya ay mapagkamalang pera lang ang pakay ko sa kanya. Sa katayuan ko kasi ngayon, parang langit at lupa ang aming agwat. Pagpayuhan mo sana ako kung anong dapat kong gawin.

Dear Berni,

Kung mahal mo siya at maganda ang intensiyon mo, wala kang dapat ipangamba. Magtapat ka. Kung bigyan man niya ito ng masamang kahulugan at least naibulalas mo ang laman ng iyong puso. Mahirap sagutin ang tanong mo kung mahal ka kaya niya o hindi. Posibleng hindi, posible ring oo. Pero mapapatunayan mo lamang iyan kung magpo-propose ka sa kanya. Walang masama dahil dalaga siya at binata ka naman.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

BERNI

DEAR BERNI

DEAR VANEZZA

ISA

KUNG

MABAIT

MAGTAPAT

MAHIRAP

MATANDANG

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with