^

Para Malibang

‘The beautiful ones’ (10)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

BUO NA ang plano ni Oreo para sa mga alagad. Isasama na niya sa paghahasik ng lagim ang magagandang living dead.

“Mamamasyal tayo sa matataong lugar—sa mga palengke, sa sidewalks, sa mga malls, sa istasyon ng tren, sa beaches, sa mga bar, etsetera!  Gets ba ninyo?” tanong ni Oreo matapos ang  paglalahad.

Nagtaas ng kamay ang heneral ng hukbo noong araw. “Ano…ang…malls?...Ano …ang…etsetera?”

Muntik matawa sa kainosentehan ng bangkay si Oreo. “Nabuhay ka nga pala, general, noong panahon pa ng kopong-kopong. Kaya hindi mo alam kung ano ang malls at etsetera. By the way,  hindi lugar ang etsetera, hello?  Next question, please!

“Gusto..ko…sakay…tayo…tren…papunta…Bicol…”

“At bakit mo nais sumakay ng tren, former beauty finalist from the South?” Naaaliw si Oreo, nalimutan na yatang may delivery man na pinatay—nilamon at kinain—ang magagan­dang alagad.

“Nais…kong…makita…ang…Mayon…”

“Request denied, ex-beauty titlist. Hindi kasama ‘yan sa plano ko! May gusto pa bang magsalita, ha, beautiful ones?”

Tumayo ang sports celebrity, guwapong lalake. “Simulan…na..ang…laro…”

Nginitian ito ng baklang lider. “Laro…tama ka, ang gagawin natin ay isang… madugong laro!”      

Tumayo sa mesa si Oreo saka malakas na nagdeklara. “LET THE GAME OF DEATH BEGIN!”

Nang gabi ring iyon, umalis si Oreo at ang mga alagad. Si Oreo mismo ang nagda-drive ng brand-new van niya.

Nasa main road sila ng lunsod, nakapamintana ang mga living dead—naaaliw sa bagong tanawin. Lahat hindi inabot ang modernong kapaligiran.

May nakatabi silang SUV sa highway. Nakatingin sa mga sakay ni Oreo ang mga lulan nito.

Parehong hindi tinted ang dalawang sasakyan, magkatapat sa pagtakbo, nagkakatanawan.

Takang-taka ang nasa SUV. “Manong driver, totoong mga tao ba ang nasa van? Bakit mapuputla at mga tulala?” (ITUTULOY)

               

             

ANO

BAKIT

BICOL

BRVBAR

OREO

SI OREO

TUMAYO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with