^

Para Malibang

May gusto sa amo

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po ay isang factory worker. Ang amo namin ay isang guwapong Korean na 23 years old. Kinikilig kaming lahat na kababaihan kapag nakikita namin siya. Para siyang hindi isang boss kung makihalubilo sa mga staff niya. Isa po ako sa lihim na may gusto sa kanya. Ako po ay 26 years old at dalaga pa. Nangangarap din po akong mahango sa hirap kaya ang secret wish ko ay ligawan ako ng boss ko. Ang balita ko’y binata pa siya, pero may gf na kaya lang hindi naman nagpupunta sa pabrika. Ano po ang dapat kong gawin para mapansin niya? - Nelda

Dear Nelda,

Libre ang mangarap. Pero kung ang pangarap ay matutupad o hindi ay mahirap sabihin. Kung talagang binata ang boss mo at ligawan ka niya, walang problema. Pero kung ikaw ang gagawa ng unang hakbang para ligawan niya ay hindi maganda. At kung ang layunin mo lang ay yumaman kaya gusto mo siyang mapangasawa, ay mali. Pero kung magiging mabuting manggagawa ka niya ay hindi malayong mapansin ka ng boss mo at sino ang nakakaalam, baka umibig siya sa’yo.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

DEAR NELDA

DEAR VANEZZA

ISA

KINIKILIG

KUNG

NANGANGARAP

NELDA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with