Panlaban kontra sa STD (2)
Maging tapat sa partner - Ang pinakamainan ay iiwas ang sarili sa panganib. Mas maraming sexual partner, mas nadadagdagan ang panganib. Kaya maging tapat sa iyong partner at sana ay tapat din ang iyong partner.
Gumamit ng proteksiyon - Ipinapayong gumamit ng proteksiyon kung hindi sigurado sa iyong sexual partner. Ang condom ay ang pinaka-karaniwang uri ng proteksiyon. Epektibo ito at maaasahan kung ito ay magagamit ng tamang paraan. Mabibili ito sa mga groceries, convenience stores at drug stores. Minsan nga ay ipinamimigay pa ng libre. May mga lalaking ayaw gumamit ng condom dahil nabibitin. Kailangan kasing isuot ang condom kapag nagka-erect na ng husto ang penis bago magpenetrate. Mayroon ding female condom na para naman sa mga babae ngunit hindi pa ito karaniwan dito sa Pinas. Pareho lang din ito ng karaniwang condom na ipinapasok naman sa vagina.
- Latest