^

Para Malibang

May bagong pag-ibig ang misis

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Andres, 49. Siyam na taon na nang mag-abroad ang aking misis. Nasa Germany ang kapatid niyang babae at hinanapan siya ng trabaho doon. Noong una’y walang problema. Matapos ang dalawang taon ay nagbalikba­yan siya at bumalik muli para sa bagong kontrata. Tuloy ang komunikasyon namin. Pinayagan ko siyang magtungo roon dahil malaking ginhawa para sa aming pamilya dahil mahina ang kita ko sa Pilipinas at apat ang anak namin. Ang malungkot ay nakakita siya ng bagong pag-ibig doon. Nag-file rin siya ng divorce. Para akong binagsakan ng langit sa pangyayari. Ngayon ay gusto niyang kunin ang aming mga anak. Sana raw ay maunawaan ko siya. Masakit sa akin na mawalay ang mga bata pero totoong nahihirapan ako sa pagtataguyod sa kanila. Ano ang mabuti kong gawin?

Dear Andres,

Masakit na dagok ang dinaranas mo. Ngunit sa kabila ng lahat, life goes on. Kung nais mong ibigay sa asawa mo ang inyong mga anak ay nasa sa’yo yan. Mas mabuti nga marahil dahil hindi sapat ang iyong income para itaguyod at mabigyan ng magandang future ang apat mong anak. Kausapin mo rin ang iyong mga anak tungkol sa plano ng iyong misis na kunin ang kanilang reaksiyon. Pero kung sa ikabubuti ng kanilang kinabukasan, dapat kang magpaubaya. Sa edad mo ay hindi ka pa naman matanda at natitiyak kong magkakaroon ka pa ng bago at magandang hinaharap sa buhay.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANDRES

ANO

DEAR ANDRES

DEAR VANEZZA

KAUSAPIN

MASAKIT

MATAPOS

NASA GERMANY

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with