^

Para Malibang

‘Wag madaliin ang pag-ibig

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

I have a bf, 25 yrs. old siya & I’m 18. He is my neighbor. I love him so much and he loves me too. Kaso lang po natatakot ako sa brother ko kung malaman niya na may relasyon ako sa kapitbahay namin. Mabait ang bf ko at lagi rin niyang sinasabi sa akin na magpakasal na kami, pero hindi pa po ako handa. Bago lang po ako dito at 7 months pa lang po kami kaya puro sikreto lang ang ginagawa namin. Gusto kong ibigay ang pagka-virgin ko sa kanya kaso po natatakot ako? Ano po ba ang dapat kong gawin? - Danah Gia

Dear Danah,Gia

‘Wag mong ipagwalang-bahala ang iyong kuya dahil bilang nakatatandang kapatid, ayaw niyang mapahamak ka lalo na’t bago ka pa lang sa inyong lugar at hindi pa kabisado ang mga tao sa paligid. Sa halip, bakit hindi mo siya ipakilala sa kapatid mo para hindi n’yo itinatago ang inyong relasyon? Napakaaga pa rin para pag-usapan ang kasal dahil kailan mo lang siya nakilala. Hindi nakukuha sa 7 buwang relasyon ang pagbuo ng isang pamilya. At lalong hindi tama na ibigay mo ang iyong sarili sa kanya. Hindi sukatan ang virginity para masabing hindi ka iiwan ng lalaki. Napakabata mo pa at ang dapat mong iniisip ay ang makatapos ng pag-aaral, magkaroon ng magandang trabaho at makatulong sa iyong pamilya. Hindi minamadali ang pag-ibig. Kilalanin pa ninyo ang isa’t isa at tadhana na ang makapagsasabi kung kayo nga ang magkapalad. 

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

DANAH GIA

DEAR DANAH

DEAR VANEZZA

GIA

KASO

KILALANIN

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with