Ayos ang buto-buto kapag...
Last Part
Ikonsidera rin ang pagkonsumo ng Vitamin D. Mahalaga ang bitaminang ito para ma-absorb ng katawan ang calcium. Para sa mga adult na nasa 19-70 anyos, ang RDA para sa Vitamin D ay 600 international units (IUs) kada araw. Ang rekomendasyong ito ay tumataas hanggang 800 IUs kada araw para sa mga adult na nasa 71 anyos pataas.
Kasama sa mga pagkaing mayaman sa Vitamin D ay ang oily fish, gaya ng tuna at sardinas, egg yolks at fortified milk. Magandang mapagkukunan din ng Vitamin D ang sikat ng araw. Gawin lang ito sa pagitan ng ala-6 hanggang bago mag-7 ng umaga dahil karaniwang hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw sa mga oras na ito.
Kung hindi pa rin magiging sapat, pwede rin ikonsidera ang pag-inom ng Vitamin D supplements.
Hindi makukumpleto ang pagpapalakas sa katawan, maging sa buto kung wala ang healthy physical activities sa inyong daily routines. Ang tugmang exercise ay mahalaga paraan mailagay sa kondisyon ang inyong buto. Hindi naman kailangan na maging komplikado ang pag-e-exercise. Dahil kahit ang simpleng paglalakad, jogging o ang paborito mong sports ay makakatulong na ng malaki para mabigyan ng pagkakataon ang iyong buto na lumakas.
Kasamabay ng lahat ng mga nasabi natin hakbang sa pagpapalakas ng buto, dapat ding iwasan ang mga bagay na magpapawalang saysay sa mga hakbang na ito. Huwag manigarilyo at iwasan ang pag-inom ng kahit anong alcoholic drink.
- Latest

















