^

Para Malibang

‘Haunted hospital’ (24)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAIS na yatang mapasigaw ng multo ni Dr. Medina, sa dami ng palapit na bad spirits. May dalang mga jungle bolo at malalaking karit ang super-nakakatakot na kaaway ng kabutihan.

“Oh my God…H-Help…”

Sari-sari ang anyo ng bad spirits—merong mukhang Japanese straggler, may anyong Kastila sa panahon ni Magellan; merong Chinese merchants noong panahon ni Rizal.

Lahat ng multong ito ay halatang galit sa mundo, nais maminsala.

Ang anyo ng bad spirits ay kagulat-gulat, hindi ang usual na multong manipis na usok, gaya ni Dr. Medina. These bad spirits are solid down to the waist; putol ang images mula baywang pababa;  hindi nakasayad sa lupa. 

Sumisigaw ang mga ito habang pasugod, rumaragasa, nakaamba ang mga sandata. “GIYAAAHH!”

“Is this for real? Totohanan bang maghahasik ng madugong lagim ang masasamang ispiritung ito?” tanong ni Doktor Medina sa sarili.

TSAK. BRAAK. TSAP. KRIIIP. Pinagtataga at pinagsasaksak na ng bad spirits ang wooden bench at upholstered seats sa pasilyo.

Pati ang kawad ng hanging lamp sa may hagdan ay tinagpas. TSAG.

“Oh my God! Oh my God!” Hindi matapus-tapos ang pagtawag ni Dr. Medina sa Kaitaasan. Isa siyang mabuting multo na hindi handa sa karahasan. “Kaya nilang mang-damage! T-tiyak na kaya ring pumatay!”

TSAPP. Ang leeg na pala niya ang tinagpas ng anyong Japanese straggler, Naglagos ang talim sa kanyang leeg.

Pero intact ang kanyang leeg, hindi naputol, naunawaan ni Dr. Medina. Multo nga pala siya na hindi kayang patayin ng kapwa multo-- kahit pa mula ito sa impiyerno.

Nilampasan siya ng masasamang ispiritu, pababa sa ground floor.

“TAGO! PUMAPATAY ANG MASASAMANG ISPIRITU! TAGOOO! Sumigaw ang multo ni Dr. Medina, nagbabala sa mga buhay.

(ITUTULOY)

vuukle comment

DOKTOR MEDINA

DR. MEDINA

H-HELP

ISA

KAITAASAN

KASTILA

KAYA

LAHAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with