‘Haunted hospital’ (16)
DUMATING ang nag-iisang doktor ng Hope, maging ito’y hindi makapaniwala sa pahayag ni Nurse Olga.
“Inoperahan ninyo ni Doctor Medina ang pas-yente? Si Doctor Medina na last year pa namatay?†magkasunod na tanong ni Doktor Robles.
“Iyan po ang totoo, I swear to God po.†Luhaan si Nurse Olga. “Hindi po naman maooperahan nang tama ang pasyente kung wala ang tunay na duktor, intindihin ninyo.â€
Nagkatinginan sina Doktor Robles at NurseArmida. Ang huli ay galit na galit sa ginawa ni Nurse Olga.
Nagbulungan ang dalawang original staff ng Hope Hospital.
“May katwiran si Nurse Olga, Nurse Armida. Isang dalubhasang surgeon lamang ang makapag-oopera nang tama.â€
“Doktor Robles, that’s my point. Nars lamang si Olga. At walang multong nakapag-oopera. At hindi kailanman babaliin ni Doctor Medina ang professional rules—kahit pa totoong nagmumulto siya.â€
Napabuntunghininga ang matandang doktor. “Relax, pinag-aaralan ko ang lahat ng anggulo. Hindi ako naniniwalang napraning si Nurse Olga…â€
Ang pasyenteng inoperahan ay nasa recovery room na, binabantayan ng misis nito. Sinuri ng matandang doktor ang pasyente.
Maayos ito, nasa tama ang vital signs.
Nagkamalay na ito. Nakita ang misis. “Maring, hindi ka maniniwala. Nakita kong inooperahan ako—noong nakahiwalay ako sa katawan ko…â€
Dinig nina Doktor Robles, Nurse Armida at Nurse Olga ang kuwento ng pasyente; near-death experience ito. “D-dalawa ang umopera sa akin, iniligtas ako…â€
Natigilan sina Dr. Robles at Nurse Armida. Si Nurse Olga ay kalmante, alam niya ang sinasabi ng pasyente.
“Sino ang nakita mong umopera sa iyo?†tanong ni Doktor Robles.
“Isa pong babae at isang…lalaking nag-uutos sa babae, kung paano ako ooperahan…â€
Napaigtad sina Nurse Armida at Doktor Robles.
“Namukhaan mo ba sila?â€
“ ‘Yun pong babae ay hindi masyado. ‘Yung lalaking duktor, natatandaan ko —bata pa, guwapo pero i-isa siyang…multo.†ITUTULOY
- Latest