^

Para Malibang

‘Wise’ ang bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Ms. Vanezza,

Mayroon po akong ex-bf,  kumplikado po ang aming relasyon dahil bukod sa akin ay nadiskubre kong mayroon din siyang gf sa abroad. Noong mahuli ko po siya ay umamin naman siya tungkol dito at ito rin po ang naging dahilan ng aming pagbi-break. Tinanggap ko na po sa a­king sarili na hindi na kami muling magkakabalikan dahil ayoko rin muling masaktan dahil nakikita kong hindi niya rin naman kayang iwan ang babaeng ito.  Nguni kahit sa ngayon ay inaaya niya pa rin akong mag-date kami ng walang malinaw na dahilan at hindi rin niya nililinaw kung kami ay mayroon muling relasyon. Ayoko naman po na humantong sa pakikipag-friends with benefits sa taong ito dahil kahit kailan ay hindi po ako sangayon sa ganitong uri ng relasyon. Ano po kaya ang nais gawin ng taong ito sa buhay ko? - Annie

Dear Annie,

Talagang kumplikado ang inyong relasyon. At matatawag na “wise” ang iyong ex-bf. Hindi naman maaaring makipagkompromiso ka sa kanya dahil tiyak na masasaktan ka lang. Iisa lang ang sagot ko sa tanong mo, maaaring gusto ka lang niya pero hindi ka niya mahal kaya hanggang ngayon ay hindi ka niya mapakawalan. Worst, puwede din na nais ka lang niya uling maisahan. Masakit sa tenga, pero minsan mas mabuting ito ang marinig kaysa sa magtago ka sa masakit na katotohanan. Ang tawag sa ginagawa ng iyong ex-bf ay “ He’s leading you on” ibig sabihin, umaarte siya na mayroon kayong relasyon pero sa totoo lang ay wala naman at ginagawa niya ito para sa kanyang sariling kapakanan. May mga lalaki talagang ganito at matatawag silang “selfish” o makasarili. Kung talagang gusto at mahal ka niya, dapat may piliin siya sa inyong dalawa. Hindi maaaring dalawang tao ang hawak ng kanyang puso at kamay dahil tiyak na may masasaktan. At kung ayaw mong malagay ka sa masasaktan, dapat kang mag-isip ng mabuti at tatagan ang loob na hindi bumigay sa kanyang panloloko sa’yo.

vuukle comment

ANO

AYOKO

DAHIL

DEAR ANNIE

IISA

MS. VANEZZA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with