^

Para Malibang

‘Haunted hospital’ (10)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“NURSE Olga, hinihila ng invisible multo ang kumot ko! Mamamatay ako sa takot,” namumutlang sabi ng pasyenteng dalaga, nakahiga sa hospital bed sa kuwartong pang-isahan.

Nangangaykay din sa takot ang bantay na teenager. “Nakupo, ang ate ko, baka mahulog, Nurse Olga!”

Nakikita ni Nurse Olga ang ispiritu ng lalaki—hula niya’y 20-year old ito, guwapo, halatang pilyo sa babae.

“Layuan mo siya! Huwag kang manakot dito!”

Parang hindi siya narinig ng salbaheng multo. Nagpatuloy ito sa panlililis sa pasyente, hila pa rin ang kumot nito.

Nakipaghilahan na rin si Nurse Olga. Natawid na niya ang takot. “Huwag mong hilahin, bastos! Magbalik ka sa pinanggalingan mo!”

Binalingan siya ng multong guwapo, ngising malisyoso. Iniamba nito ang bukas na kamay, anyong mandadaklot.

“EEEEE!” Napatili si Olga, awtomatikong tinakpan ng mga kamay ang harap ng dibdib.

BLOP. Biglang naglaho ang bad spirit. Parang bula na sumabog.

Nakahinga nang maluwag si Olga. Ang magkapatid na babae ay nakikiramdam.

“Wala na a-ang malisyosong multo, mga sis…” In-assure niya ang pasyente at bantay. “Dapat na kayong masanay habang narito sa Hope.”

“Nakita mo ang multo, Nurse Olga?” pagkumpirma ng pasyente.

Tumango si Olga. “Oo, m-may sixth sense ako. Ewan kung dapat kong ikatuwa. Super-pangit na mga bagay na gawa ng multo ang nakikita ko. Nararamdaman n’yo lamang. Pasalamatan n’yo na ‘yon.”

“Hayy, naku, Ate Nurse, kundi nga lamang kami nagtitipid, hindi kami makatatagal dito sa Hope. Haunted hospital pala talaga ‘to.”

PALITAN sila ng one-day off ni Nurse Armida. Wala pa ring ibang nurse na nag-aaplay. Bibigay naman ang katawan nila ng may-edad nang nurse kung wala silang pahinga.

“Bukas ay ako naman ang off, ha, Nurse Olga?”

“Opo, Nurse Armida. Basta tatagan n’yo ang takot sa multo, ho?”

“Matagal nang matatag, Nurse Olga. Basta huwag lang magpapakita.”

DUTY na naman ni Nurse Olga, hatinggabi. May nakita siyang guwapong doktor sa pasilyo. Namukhaan niya ito. “S-Siya?” ITUTULOY

ATE NURSE

BIBIGAY

BIGLANG

HUWAG

NURSE

NURSE ARMIDA

NURSE OLGA

OLGA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with