^

Para Malibang

‘Haunted hospital (1)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

BAGONG nursing graduate at pasado sa Nursing Board exam si Olga. Siya ay 21, dalagang maganda, super-bait sa kapwa. Gustung-gusto na niyang makapagtrabaho bilang nurse.

Kaso, realidad na napakahirap humanap ng mapapasukang ospital ang mga bagong nurses. Napakarami kasi ng nursing graduates taun-taon gayung kakaunti na lang ang kayang tanggaping nurses.

Ang iba nga, para lang magka-experience bilang nurse ay bumabayad pa ng training fee sa mga ospital. May mga klinika at mga pribadong ospital na bukod sa super-liit magpasuweldo ay wala namang bakante.

Naiinip na si Olga at ang mga magulang niya. Hindi dapat na ang bagong nurse ay hindi naeempleyo nang matagal, posibleng kalawangin na ito, alam ni Olga at ng pamilya.

“Dalawa ho ang puwede kong pasukan, Inay, Itay. Kaso pareho hong mahirap para sa akin. ‘Yung una, magiging trainee ako sa malalayong probinsiya. Doon na ako muna titira at pagkakasyahin ang kakaunting allowance ng gobyerno. Hangga’t maaari ho, ayokong lumayo dito sa’tin.”

“At ano naman ang pangalawang puwede mong aplayan, Olga, anak?”

“Itay, doon ho sa Hope Hospital.”

Sabay na napaigtad ang mga magulang ni Olga. Nabigla.

“Anak, alam mo ba ang problema sa Hope…?”

Tumango ang dalaga, seryoso ang mukha. “Alam na alam ko ho, Inay.  Kaya nga walang nag-a-apply, dahil maraming multo sa Hope Hospital.”

“E bakit kinunsider mo pang pumasok doon?”

Napabuntunghininga ang dalaga. “Dahil nga ho wala nang ibang mapagpiliang mabuti-buti,” magalang na tugon ni Olga.

“Naku, anak, kung sa Hope din lang, huwag ka nang mag-nurse. Ayaw naming mamatay ka sa takot o kaya’y mabaliw.”

“Hindi kuwento-kuwento lang ang mga multo sa ospital na ‘yon, talagang kaydami nang nagpapatutoo. Mga pasyen­te, mga duktor at narses na nakapagtrabaho na doon. Lumayas agad sila sa Hope.”

Isang matamlay na ngiti ang sumilip sa mga labi ni Olga.

At pasyang hindi na mababago. “Desidido na po akong mag-apply sa Hope Hospital, Itay, Inay. Anyway, huwag lang akong padadaig sa takot, kaya kong mag-nurse doon—kahit maraming multo.” (ITUTULOY)

ALAM

ANAK

AYAW

HOPE HOSPITAL

INAY

KASO

NURSING BOARD

OLGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with