Gustong umasenso pero hindi handa
Panaginip: Sa unang eksena ay nagpunta kami sa isang lugar pero nagkahiwalay kami dahil maraming tao. Hindi ko malaman kung paano ko siya hahanapin. Nararamdaman kong nasa tabi-tabi lang ang mister ko pero ‘di ko makita. Sumunod na eksena ay magkasama kaming nagpunta sa airport pero iniwan kami ng eroplanong aming sasakyan sana..---Ghella
Interpretation: Hindi kaya may kanya-kanya kayong pinagkakaabalahan mag-asawa kaya wala na kayong time for each other. Magkasama nga kayo sa iisang bubong pero occupied ang isipan ninyo sa mga sariling gawain. Ito ang interpretation sa unang eksena. Ang eroplano sa panaginip ay simbolo ng inyong mismong pagsisikap na makamit ang matatayog na ambisyon sa buhay. Ngunit ang pagiging late ninyo kaya kayo naiwan ng eroplano ay nagpapahayag ng kawalan ninyo ng sapat na preparasyon para matupad ang pangarap.
- Latest
















