^

Para Malibang

Hindi tapat na boyfriend

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Alyda. Mayroon akong bf. Matagal kaming magkakilala bago siya nagtapat ng pag-ibig sa akin. Masyado kasi siyang malambing at maalalahanin kaya hindi ko na pinatagal at sinagot ko siya. Nagtagal ng   tatlong buwan ang relasyon namin bago kami nagbalak na magpakasakal sa darating na Agosto ngayong taon. Napakabuti niyang kasintahan at wala na akong hahanapin pa. Hanggang sa may nakapagsabi sa akin na nakita raw ang bf ko sa Tagaytay na may kaakbay na babae. Kinabahan ako pero inisip kong baka malapit lang na kaibigan o kamag-anak. Pero hindi ako mapakali. Nang hindi ako makatiis ay tinanong ko siya. Sabi ko, kung mahal niya ako ay maging tapat siya sa akin. Natigilan siya at matagal bago nakasagot. Halos himatayin ako nang sabihin niya na ang babaeng yun ay ka-live-in niya at mayroon silang isang anak. Pero ang sabi niya ako ang mahal niya at handa niyang hiwalayan yung babae. Dapat ko bang pakasalan ang ganitong uri ng lalaki? Naguguluhan ako.

Dear Alyda,

Dapat mo nang tapusin ang relasyon mo sa lalaking yan dahil malaking sakit ng ulo ang papasukin mo. Kahit hindi siya kasal, may panghabambuhay siyang pananagutan sa kanyang unang pamilya dahil may anak siya. Darating ang araw na baka magkaroon ng conflict ang iyong magiging anak sa anak niya. Isa pa, hindi siya naging tapat sa iyo sa simula pa lamang. Dapat sana’y isiniwalat niya sa iyo ang lahat tungkol sa kanya kung tapat ang layunin niya sa iyo. Pag-isipan mong mabuti dahil ikaw pa rin naman ang huling magdedesisyon.

Sumasaiyo,

Vanezza

AGOSTO

AKO

ALYDA

DAPAT

DEAR ALYDA

DEAR VANEZZA

HANGGANG

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with