^

Para Malibang

“May Impakta sa tiyan ko” (25)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

MAY SPACESHIP ng taga-ibang planeta sa tiyan ni Brando, naniniwala na rito ang kinauukulan; ang paglitaw ng impakta sa bunganga ni Brando ay bumura sa anumang pagdududa na gawa-gawa lang ni Professor Torres ang tungkol sa dayuhang mula sa ibang daigdig.

Pero hindi na nila hihintayin ang kusang pag­labas ng spaceship mula sa tiyan at bunganga ni Brando.

“Kaysa mag-abang tayo sa spaceship, tayo na bale ang sasalakay, Professor Torres.”  

“Ano’ng ibig mong sabihin, chairman?”

Dinig ni Brando ang usapan, hindi inililihim sa kanya.

“Paoperahan natin sa surgeons itong si Brando. Kumbaga e mabibigla ang spaceship, hindi na magkakaroon ng tsansang makapinsala.”

Napantastikuhan sa ideya ang propesor. Hindi sure formula ang ‘pagsalakay’ sa spaceship. Nakaligtaan ba ng chairman na super-advance sa teknolohiya ang mga taga-ibang planetang ito?

Kayhirap hulaan ang pinsalang gagawin ng spaceship sakaling masukol ng tao, babala  ng iginagalang na propesor.

Hindi pumayag ang propesor na ipaopera ang tiyan ni Brando. Noon din ay inilabas nito ng kulungan si Brando, sa katwirang natatapakan na ng estado ang karapatang pantao ng kapitbahay.   

BRRUUMM. Mabilis nang naglalakbay pauwi sina Brando at Professor Torres, sakay ng kotse ng huli.

“Hanggang ngayo’y hindi pa nahuhuli ang impakta, professor. Napaka-helpless pala ng tao.”

“Mahuhuli rin ‘yon, Brando. Pati ang spaceship sa tiyan mo, hindi na makababalik sa kanilang planeta.”

“P-paano, Professor Torres?”

Ibinulong nito kay Brando. Napalunok ang binata. Pareho pala sila ng naisip na final solution.

“Tama ba ako, professor, na fan ka rin ni Zuma noon sa komiks?”

Napangiti ang dalubhasa sa mga taga-ibang planeta. “Tama ka. Doon ko nakuha ang ideya na panlaban sa impaktang alien.”

Napalunok muli si Brando. Sakali pala ay magbubuwis siya ng buhay—alang-alang sa daigdig ng tao.        

ANG impakta ay ‘sumakay’ sa bus. Nataranta ang driver, umese-ese ang takbo ng bus.

(SUBAYBAYAN)

vuukle comment

ANO

BRANDO

DINIG

HANGGANG

NAPALUNOK

PROFESSOR TORRES

TAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with