^

Para Malibang

“May Impakta sa tiyan ko” (20)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NABUHUSAN na ni Brando ng gas ang impakta. Bago pa ito nakailag ay nasilaban na niya ito ng sulo.

BLAB. Kaylaki ng apoy na tumutupok sa taga-ibang planeta.

“Aaaah! Aaahhh!’ Nagtatarang ito, nagpagulong-gulong sa lupa.

“Mamatay ka! Walang kapatawaran ang pagkain mo ng tao!”

“Gagooo! Tangaaa!” Hindi na hiyaw ng pagdaing ang sinasambit ni Morgama alias Impakta. Nagmumura na ito. “Walang utaaak!”

Nalito si Brando. Malakas ang apoy pero hindi na niya makita ang impakta. Nasaan na ito?

“Nganga! Ngumanga ka, tanga!” Nakapangunyapit na pala ang impakta sa kanyang baba. Hindi niya maipagpag, takot na makagat.

“M-morgama…tigilan mo na ako, u-utang na loob.” Naunahan na naman ng takot si Brando. Naalala ang kabangisan ng impakta.

“Ibuka mo ang bunganga mo! Kailangan ko nang makapasok!”

Nasa likod-bahay sila noon. Pawisan na sa takot ang binatang tamad-lasenggo. Kusa na namang ngumanga.

Hindi alam ng dalawa, may nakakasaksi.

Nakita ang pagpasok ng impakta sa bunganga ni Brando; nasaksihan ang pagtanggap dito ni Brando nang pikit-mata.

“Brando?”

Saka lang namalayan ng binata ang presencia ng kapitbahay. “P-Professor Torres…m-may impakta po sa tiyan ko…”

“Taga-ibang planeta, sinasakop tayo ng taga-ibang planeta, Brando!” Premyadong propesor si Mr. Torres, eksperto sa extra-terrestrial beings. “Oh my God…”

“Ayaw akong paniwalaan, professor. Hindi makita sa X-ray ng tiyan ko ang impakta…” Luhaan na, larawan ng kawalang pag-asa si Brando.

DINALA agad ng propesor sa basement ng bahay si Brando. “Kailangang hindi makatakas ang alien sa tiyan mo, Brando. Nakasakay ba ‘ka mo sa spaceship—na nasa tiyan mo rin?”

Tumango si Brando. “Nasa spaceship ho ang communication line ng planeta ni Morgama.”

“Morgama ang pangalan ng alien?”

“Opo, professor. Kumakain ho ng tao.”

“Alam ko, nakita ko sa flash report sa TV. Dapat talagang hindi makalabas ng mundo ang nasa tiyan mo.”  (SUBAYBAYAN)             

AAAAH

BRANDO

IMPAKTA

MORGAMA

MR. TORRES

P-PROFESSOR TORRES

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with