^

Para Malibang

Naputol ang ari at na-insecure

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po’y 26 years old na. Sa edad kong ito ay hindi ko pa naranasang manligaw at magka-gf. Six years old po ako nang mahulog sa puno. Sinamang palad akong bumagsak sa isang nakausling matalim na bagay na tumama sa aking pagkalalaki. Akala ng mga magulang ko ay namatay na ako. Pero sa palagay ko’y mabuti pa nga siguro kung namatay ako para hindi ako namomroblema nga­yon. Hindi na naikabit ang aking ari at hindi na ako puwedeng mag-function nang normal sa sex. Nawalan na ako ng kapabilidad para bumuo ng buhay. Noong una ay balewala sa akin dahil bata pa ako at walang muwang. Pero nang nagbibinata na ako’y unti-unti kong na-realize ang malaking kakulangan sa aking pagkalalaki. Nagkakaroon ako ng sexual urge pero hindi ko mai-express dahil sa aking handicap. Wala nang silbi ito maliban sa daanan ng ihi. Mara­ming babaeng nagkakagusto sa akin at napagkakamalan akong bakla. Hindi ko lang masabi sa kanila ang aking problema dahil nakakahiya. Kung minsan ay naiisip kong wakasan ang aking buhay. Sana ay matulungan mo ako. - Totoy

Dear Totoy,

Alam kong mahirap ang iyong kalagayan pero hindi dapat maging dahilan iyan para ikaw ay magtangkang wakasan ang iyong buhay. Ang silbi ng isang tao’y hindi lang naman sa pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya. Alam kong may kakayahan kang magdadala sa iyo sa tagumpay kung gagamitin mo. Yun ang tuklasin mo sa iyong sarili. Huwag mong isipin ang sa­sabihin ng ibang tao sa iyo porke’t hindi ka nanliligaw. Bigyan mo ng kahulugan ang iyong buhay at gamitin mo ang iyong talentong kaloob ng Diyos.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKING

AKO

ALAM

BIGYAN

DEAR TOTOY

DEAR VANEZZA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with