^

Para Malibang

Boyfriend ko si kamatayan (27)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“FATHER JAMES!” Masiglang tinawag ni Lezzy ang parish priest.

Sinipat siyang mabuti ng may-edad nang alagad ng Diyos. “Ikaw ba si…Lezaida?”

“Opo, pero Lezzy ang itawag n’yo sa akin. Makaluma pong masyado ang Lezaida, Father.”

“Bihira kitang makita sa simbahan, iha. Kumusta ka ngayon?”

“Malungkot na masaya, Father James.  Malungkot dahil kakaunti ang magagawa kong kabutihan. Masaya dahil may pag-asang kaawaan ni God ang aking kaluluwa.”

Nalito ang pari. “Hindi ko nakuha. Ano nga ‘yon sa inyong lengguwahe? A, naalala ko na—hindi ko gets.”

Ngumiti si Lezzy, may bahid ng lungkot

“Father, I’m dying…”

“Anak ng torpedo! Huwag kang magbiro, iha!’

“Bago po matapos ang ika-28 ng buwang ito—mamamatay ako.”

Napalunok ang pari. “Terminally ill ka ba? May taning…?”

Umiling si Lezzy. “Wala po akong sakit na walang lunas. Hindi ko pa po alam kung paano ako mamamatay. Ang tiyak lang po ay kukunin ako ni Kamatayan anumang araw.”

Napa-sign of the cross ang butihing pari. “Paano mo naman natiyak?’

“Boyfriend ko po si Kamatayan.”

Natigagal ang pari. “A-ano ‘ka mo?”

“Boyfriend ko po… nobyo si Kamatayan.”

Sabihin pa’y hindi pinaniwalaan ng alagad ng Diyos si Lezzy. Binendisyunan niya ang dalaga.

IKA-28 ng buwan, dumating nga kay Lezzy si Negro Angelo a.k.a. NA-Kamatayan. Napaluha ang dalaga, yumakap nang mahigpit sa guwapong boyfriend. “Negro, ngayon na ba t-talaga?”

Tumango ito. “Hindi ka mapupunta sa impiyerno, I assure you.”

“Paano ako mamamatay?  I feel good…”

Naglalakad sila sa sidewalk. Biglang may namaril. BANG. BANG.

Tinamaan ng stray bullet sa dibdib si Lezzy. Patay agad.

MANGHA si Father James nang malaman kung sino ang nasa ataul na ipagmimisa niya. “Oh my God, n-nagkatotoo ang sabi ni Lezzy!”

WAKAS (Up Next: May Impakta Sa Tiyan Ko)

 

vuukle comment

DIYOS

FATHER JAMES

KAMATAYAN

LEZAIDA

LEZZY

MALUNGKOT

MAY IMPAKTA SA TIYAN KO

NEGRO ANGELO

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with