^

Para Malibang

Boyfriend ko si kamatayan (25)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“HUWAG kang magbiro, Negro Angelo. Ayoko pang mamatay, napakabata ko pa…” Luhaan si Lezzy, napapailing.

“May dahilan ang lahat, Lezzy. Posibleng ini­iwas ka ni Lord sa makasalanang buhay sa future, na maghahatid sa iyo sa impiyerno…kaya aagahan ang pagkuha sa iyo.”

“That is so unfair, hindi katanggap-tanggap, Negro. Bakit sisikilin na ang isang bagay na hindi pa naman nagaganap? Saka sagot ko naman ang aking kaluluwa, a.”

“Hindi ko naman sinabing iyon na nga ang dahilan ni Lord, hakahaka ko lang. Karamihan kasi ng ipinakukuha sa akin ay mababait bago mamatay, sa Langit tumutuloy ang kaluluwa nila…”

“No! Wala akong pakialam sa system ninyo sa Langit. I demand a fair treatment; tratuhin akong parehas. Ako ang magde-decide ng buhay ko—base  sa dikta ng utak ko’t puso.”

“Lezzy…meron ka na lang 28 days. I’m really sorry.”

“Sorry? Gano’n lang Negro Angelo? Shit, girlfriend mo ako, do something to save me!”

“Natutunan na kitang mahalin, Lezzy. I do love you now. Pero…”

“Pero ano? Ituloy mo! Hu-hu-hu.”

“Pero ang pagmamahal ko sa iyo’y nagtatapos kapag ang tungkulin ko na kay Lord ang sangkot.”

“Kung gayo’y hindi mo ako tunay na minamahal! Fake lover ka, Negro Angelo!”

Yuko ang ulong lumabas na ng silid ng dalaga si Negro Angelo.

“Kailan ka babalik, hoy!” luhaang sigaw-tanong ni Lezzy.

“Sa ika-28 araw, mula ngayon.”

“Ano’ng dapat kong gawin?”

“Repent. Magsisi ng kasalanan. Go back to the Lord.”

“Hindi ako magbabago sa aking wild ways, Negro Angelo! Magpapakaligaya lalo ako sa piling ng iba’t ibang guys! Magi-guilty ka kapag napunta ako sa impiyerno!”

Natigilan si Negro Angelo a.k.a. Kamatayan. Napai­ling sa kasutilan ng dalagang minamahal.

“Lezzy, napa­kainit sa impiyerno…”

“Go away! Break na tayo, Negro!”

 (2 LABAS)

vuukle comment

AKO

ANGELO

ANO

AYOKO

BAKIT

LANGIT

NEGRO

NEGRO ANGELO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with