^

Para Malibang

Boyfriend ko si kamatayan (24)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAIS nang magpanic ni Lezzy sa naisip. Kaya ba nasabi ni Negro Angelo na siya ay hindi magkakaanak ay dahil malapit na siyang mamatay?

“S-siyam na buwan bago magkaanak ang babaing nagdadalantao. Siguro’y wala psng siyam na buwan ang itatagal ng aking buhay…”

Nagpakahinahon siya. Ipinagpatuloy ang paliligo sa tapat ng shower.

Mali ang kanyang pangamba, dikdik niya sa sarili. Tiyak na iba ang rason, walang kinalaman ang maagang kamatayan.

Nais niyang kontakin si Negro Angelo, kumprontahin ito sa tunay na dahilan kung bakit hindi siya magkakaanak.

Kaso’y natatakot naman siyang malaman ang katotohanan mula sa boyfriend.“What I don’t know won’t hurt me! Hindi ko dapat malaman ang sasapitin ko within 9 months.”

Kung gayo’y mas dadamihan niya ang fun.

“Fun! Fun! Fun! It’s more fun in the Philippines, indeed!” sabi ni Lezzy sa sarili. Nagbabad siya sa shower.

LET’S PARTY! Ito ang theme ng kasayahang itinawag agad ni Lezzy sa mga sosyal na kaibigan.

Sa isang 5-star hotel ginanap ang bonggang-bonggang party na gastos lahat ni Lezzy.

 â€œLet’s enjoy life, guys!  For tomorrow we die!” sigaw niya sa mike, obvious na marami nang nainom.

She went wild with some guys sa dilim ng gabi.

Nahiya ang buwan sa kalaswaan nila, nagtago sa mga ulap.

Umaga nang magising siya sa hotel suite, nag-iisa, hubad na hubad.

Saka niya naalala ang kahalayang doon nila tinapos last night.

“Lezzy.’

“Oh my gosh! Negro Angelo, bakit ka narito?”

Nagtakip ng kahubaran ang dalagang spoiled. Kahit paano ay nahiya sa boyfriend na laging seryoso.

“Lezzy, panahon na para ka magpakabait…”

Namutla si Lezzy. Ito ang sinabi ni Negro Angelo na dapat gawin ng kaibigan niyang bading, si Lucille, bago ito biglang namatay.

“Ilang buwan pa ako, Negro…?”

“Wala nang buwan, Lezzy. Mga araw na lamang.” ITUTULOY

vuukle comment

ILANG

IPINAGPATULOY

KAHIT

KASO

KAYA

LEZZY

NEGRO ANGELO

WHAT I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with