^

Para Malibang

Boyfriend ko si Kamatayan (23)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

INABUTAN ni Lezzy sa condo unit ang boyfriend. Paalis ito. “Negro Angelo, mali ka.  Dalubhasang doktora ang kinunsulta ko, an OB-Gyne. Tiniyak niyang kaya kong magkaanak kahit sampu. Here are her findings.”

Napailing-napabuntunghininga ang kakaibang lalaki habang tinutunghayan ang papel. “Tama itong pagsusuri niya sa iyo. Talaga namang may kakayahan kang magkaanak…”

“Then bakit mo sinabing hindi ako magkakaanak?” taray ni Lezzy.

“Dahil…iyon ang sad truth, ang masaklap na reyalidad.”

“Oh come on, Negro, baka naman ikaw pala ang incapable na makabuntis ng babae, nahiya ka lang aminin!”

Hindi na sumagot si NA. Tinungo ang pintong palabas.

“Hey, usap pa tayo! Hindi ako galit kahit ikaw pala ang may diprensiya, promise.”

“Lezzy, kailangan ako sa provincial hospital. Tatlo ang mamamatay doon nang magkakasunod.”

“Holy chic! Harbinger of death ka nga pala! Tagapaghatid ng kinatatakutan ng lahat!” Gigil na naman si Lezzy.

Hindi napigil si Negro Angelo.  Natanaw pa ni Lezzy ang paglabas nito sa gate ng condo building, sakay ng super-mahal na kotse.

BRUUMMM.

Kaybilis ng takbo nito. Sa ordinaryong motorist, takbong parang walang kamatayan.

Napailing si Lezzy. “Sabagay, si Negro Angelo si Kamatayan. Paano nga ba mamamatay ang walang kamatayan?”

Nais na namang malula ni Lezzy sa sitwasyon. Hindi pa rin makapaniwalang ang boyfriend niya’y ang mismong papatay sa lahat ng tao—kasali siya.

“Oh my God…sino ang maniniwalang boyfriend ko si Kamatayan? Natitiyak kong ako ang  unang babae sa ‘Pinas na naging syota si Kamatayan! I’m great!”

Pero sumiksik  sa kanyang diwa ang nais panindigan ng boyfriend—na siya ay capable manganak pero hindi magkakaanak.

Ano ba ang ibig sabihin ni Negro Angelo a.k.a. NA-Kamatayan?

Napalunok si Lezzy, kinabahan. “Oh my God…does it mean na ako’y malapit nang--”  

(ITUTULOY)

vuukle comment

ANO

DAHIL

DALUBHASANG

GIGIL

KAMATAYAN

LEZZY

NAPAILING

NEGRO ANGELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with