^

Para Malibang

Boyfriend ko si kamatayan (22)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“HINDI ako magkakaanak, Negro Angelo?” nanlulumong tanong ni Lezzy sa boyfriend.

Tumango ito. Kita sa mukha ang lungkot.

“S-sa iyo ba ako hindi magkakaanak?” Naghahanap ng pag-asa ang dalagang spoiled rich. “Sa ibang guys ba ay puwede…?”

Umiling ang boyfriend. “Kahit kaninong lalaki, hindi ka magkakaroon ng supling, Lezzy.”

“Dahil b-baog ba ako, gano’n?”

 â€œHindi ko puwedeng sabihin ang dahilan, Lezzy. Mate-technical ako ng nakatataas sa akin.” Hirap ang kalooban ng binata.

“Shit, Negro! Girlfriend mo ako, dapat alam ko ang dahilan!”

“I’m sorry, Lezzy…may mga bawal na hindi ko puwedeng labagin—kahit para sa iyo.”

“Ang sabihin mo--kulang ang pagmamahal mo sa akin!”

NAGBALIK sa condo unit si Lezzy. Masamang-masama ang loob niya kay NA.

Ginawa niya ang dapat gawin. Kumunsulta agad sa OB-Gyne.

“Sino ba ang nagsabing hindi ka magbubuntis, iha?”

“Ang boyfriend ko ho, doc?”

“Duktor ba siya?”

Umiling ang dalaga. “Siya ho si…Kamatayan.”

Napakunot-noo ang duktora. “Excuse me, sino?”

“W-wala ho, mahirap intindihin, doc. Basta ho pakisuri ako nang husto para matiyak natin…”

Isinailalim si Lezzy sa kung anu-anong laboratory test. Binigyan siya talaga ng atensiyon ng duktora.

Klaro ang kinalabasan ng pagsusuri nito. “Lezzy, iha, sabihin mo sa boyfriend mo—ipapuputol ko ang daliri ko kapag napabulaanan niya ang findings ko sa iyo.”

“Doc, just tell me—may kakayahan po ba akong magkaanak?”

“Oo, Lezzy, tiyak na tiyak ko. kahit pa sampu, kayang ianak ng reproductive system mo.”

Nabuhayan ng loob ang dalagang laki sa layaw. “Oh, I’m so relieved, doctora! Ipakikita ko sa gagong boyfriend ko ang inyong findings! Mapapahiya siya talaga!”   (ITUTULOY)

vuukle comment

AKO

BINIGYAN

DAHIL

DUKTOR

GINAWA

LEZZY

NEGRO ANGELO

UMILING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with