^

Para Malibang

Boyfriend ko si kamatayan (19)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

‘OH MY GOD…Negro Angelo, i-ikaw si Kamatayan?” kinikilabutang tanong ni Lezzy, paos ang tinig.

Tumango ang lalaking bungo ang mukha, nakarobang itim, may hawak na mahabang karit. “Oo, Lezzy. Puwede mo rin akong tawaging Black Angel, iyon ang meaning ng Negro Angelo.”

Napahagulhol na si Lezzy. “Paano na ang pag-ibig natin?”

Hindi inasahan ni Kamatayan ang tanong. “Iniibig mo pa rin ako, kahit alam mong hindi ako tao?”

Tumango ang dalaga, hilam sa luha ang mga mata. “Iba akong magmahal? Sa iyo lang ako natutong umibig nang ganito.”

Lumapit sa kanya ang kakaibang boyfriend. Nakita ni Lezzy up close ang bungong mukha nito.

Pati mga kamay at katawan ni Kamatayan ay kalansay.

“Ako man, sa hinaba-haba ng pagtigil ko sa mundo—ngayon lang umibig nang totohanan, Lezzy.”

“Sagutin mo ang tanong ko, NA, paano na tayo?”

“Lezzy, nagiging tao ako—bilang si Negro Angelo. Mag-iibigan tayo nang normal…”

“Gusto kong magkatuluyan tayo—kasal, ma­laking pamilya. Nais kong may tatlong anak tayo.”

Masuyong hinagod ni Kamatayan ang mukha ng girlfriend. Naramdaman ni Lezzy ang malamig na hipo ng kalansay.

Bahagya man ay hindi na kinilabutan ang dalaga. Natawid ng pag-ibig niya kay Negro Angelo ang anumang takot kay Kamatayan.

Ihinanda pa nga niya ang mga labi—para sa banayad na halik ng boyfriend. Pumikit pa nga.

Pero walang halik na dumampi.

“Negro…bakit?”

“Lezzy, gagawin lang nating normal.’

Nagbalik sa anyong tao si Kamatayan—bilang si NA.

Masayang niyakap ito ni Lezzy, buong higpit.

And they kissed. Kalakip ang puso at kaluluwa.

Nang matapos ay saka may naalalang itanong si Lezzy sa boyfriend. “Negro, m-may kaluluwa ka rin ba?” (ITUTULOY)

 

vuukle comment

BAHAGYA

BLACK ANGEL

IHINANDA

INIIBIG

KALAKIP

KAMATAYAN

LEZZY

NEGRO ANGELO

TUMANGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with