^

Para Malibang

Walang time sa kanya ang gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

May gf po ako, she’s now in Sorsogon. Sabi niya mga 1 week lang siya dun kasi babalik pa siya sa work dito sa Maynila. Simula po kasi ng pumunta siya dun hindi na po siya active mag-reply sa mga text ko. Madalas na kami nag-aaway dahil po dun. ‘Pag tinatanong ko naman po kung ano ginawa niya isasagot niya ay wala at kapag tumatawag naman po ako ay hindi niya rin sinasagot. Ang dahilan niya ay hindi daw po nauubusan ng tao sa kanila. One day po nag-away kami ng sobra and I decided na maghiwalay na kami pero mga 2 hours lang po ay na-miss ko siya at nakipagbalikan ako. Pero ngayon ay parang unti-unti ng nawawala yung pagmamahal ko sa kanya pero minsan naman po ay sobrang sweet namin sa isa’t isa. Lagi po siyang ganun. Tuwing gabi lang kami madalas nakakapag-usap ng matagal at kung minsan pa ay natutulugan niya ako. Ano po ba gagawin ko? Kung minsan po ay napag-iisipan ko na po siya na may iba kaya hindi magawang mag-text. - Nathan

Dear Nathan,

Sobrang busy ng gf mo at dala ng kanyang pagod sa trabaho kaya nawawala ang pokus niya sa’yo. Lawakan mo na lang ang iyong pang-unawa. Ang isang nagmamahal ay handang magtiis sa kakulangan ng kanyang minamahal. Huwag mo rin siyang pag-isipan na may iba siya dahil makakadagdag lang ito sa iyong paninibugho. I-text mo lang siya at ‘wag mag-expect ng reply. Sagutin niya’t hindi, ipagpasalamat mo ito. Sa halip na ubusin ang oras sa kakaisip sa gf, mabuting ibaling mo ang iyong panahon sa ibang mas makabuluhang bagay gaya ng pag-aaral, gawaing bahay o kaya’y trabaho kung saan ka magiging produktibo.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

ANO

DEAR NATHAN

DEAR VANEZZA

HUWAG

LAGI

LANG

LAWAKAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with