^

Para Malibang

Boyfriend ko si kamatayan (18)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

TUWANG-TUWA para sa kaibigang bading si Lezzy. “Congrats, Lucille! Papunta ka na sa Langit!”

Kumaway at nag-flying kiss sa kanya si Lucille, pero hindi nagsalita.

“Lucille…napipi ka na?”

Ngiting maluwalhati, heavenly smile, ang naging tugon nito.

Hindi naman na-bother si Lezzy, inihatid na nang tanaw ang kaibigang nasa mahabang pila ng mga kaluluwa.

Kasunod nito’y naglaho na ang kakaibang tanawing iyon. nagbalik ang ilaw sa buong salas ni Lezzy.

“Negro Angelo, nandyan ka lang pala. Akala ko talaga’y naglaho ka sa dilim.”

Nagkibit-balikat si NA.

“Paano mo naipakita sa akin ang mga kaluluwa? May bago bang imbensiyon na naka-create ng optical illusion? Napakagaling naman ng pagkakagawa, totoong-totoo ang dating!”

“Totoo ang nakita mo. Libu-libong patay na heaven-bound, kasama na si Lucille o Lucio.”

“Really?  The real thing ang nakita ko?”

 â€œLezzy, kailangan mo na akong makilala, kung ano talaga ako…”

“Tiyakin mo talagang hindi ka magiging aswang o kapre o tikbalang, Negro Angelo…”

“Hindi mo ako tini-take seriously. Akala mo’y puro magic at hula ang nagagawa ko.”

“Negro Angelo, kumbinsihin mo na nga ako—kung sino ka.”

“Gaya ng sabi ko noon, ako’y 8 feet tall, may mukhang nakakatakot…”

“Okay…nakahanda ako. Magpakilala ka na, Negro darling…”

Hindi namatay ang ilaw sa salas, sa harap mismo ni Lezzy ay unti-unting nagbago ng anyo ang boyfriend.

Nanigas na yata sa takot si Lezzy, naumid ang dila. Kilabot na kilabot sa nagdudumilat na katotohanan.

Si Negro Angelo ay naging super-tangkad na nakaroba ng itim, mula ulo hanggang talampakan. Ang mukha ay bungo; may hawak na karit.

“I-ikaw si…Kamatayan…” Kulay-papel na si Lezzy. (ITUTULOY)

 

 

vuukle comment

BRVBAR

GAYA

KAMATAYAN

KASUNOD

KILABOT

KULAY

LEZZY

NEGRO ANGELO

SI NEGRO ANGELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with