^

Para Malibang

Boyfriend ko si Kamatayan (7)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NIYAKAP ni Lezzy ang bagumbagong boyfriend. “Gago ka ring magbiro, Negro Angelo, mapapahamak ka niyan, e. Kapag narinig ka ng pulis, aakalaing may kinalaman ka nga sa pagkamatay ni Congressman Lucas! That’s crazy!”

Iba ang sagot ni NA. “Sa loob ng isang oras mulang pinapasok mo ako sa unit mo—naka­gawa agad tayo ng mortal na kasalanan.”

“Excuse me?” Naintriga si Lezzy. “Mortal na kasalanan?”

“Kasalanang mortal na magtalik or mag-sex ang dalawang tao na hindi kasal sa isa’t isa, Lezzy,” seryosong sabi ni NA a.k.a. Negro Angelo.

Tila nakarinig ng kababalaghan si Lezzy. “Wow! Para ka palang pari, ha, NA? Marami nang nagse-sex nang bawal!”

“Naghahanap lang naman ako ng moral values.”

“Pero pati ikaw ay gumawa ng sinasabi mong mortal sin, hello?”

“Lezzy,  lalaki pa rin ako…natutukso…”

“Kung walang tukso, hindi ka matutukso—gano’n?”

Tumango si NA. 

“Sorry po, Fafher Negro Angelo.”

“May kaibigan kang naghihintay sa iyo, isang lalaking mahinhin.”

Napatingin sa wrist watch si Lezzy. “Oh my goodness! May usapan nga pala kami ni Lucille!”

“Lucio ang tunay niyang ngalan.”

“Wow! Wow! Wow! Isa kang magaling na manghuhula, NA! Ang galing-galing mo, my love!”

“Sabihin mo kay Lucille or Lucio, magpakabait na siya.”

Natigilan si Lezzy. “B-Bakit magpapakabait na…?”

Nanantiya si NA ng tamang sagot.

“NA, bakit sabi mo’y magpakabait na si Lucille?”

“W-wala, wala, Lezzy. Sige na, inip na sa ‘yo ‘yung tao.”

Sabay na silang lumabas ng condo unit ni Lezzy. “Please don’t forget, ha, NA?”

“Don’t forget what, Lezzy?”

“Na…nagtagpo na ang mga lips natin, at nag-isa na ang mga katawan…Syota na kita. Be faithful.”

( ITUTULOY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

             

vuukle comment

B-BAKIT

CONGRESSMAN LUCAS

FAFHER NEGRO ANGELO

GAGO

ISA

LEZZY

LUCIO

NEGRO ANGELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with