^

Para Malibang

Boyfriend ko si kamatayan (4)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAABUTAN daw ni Negro Angelo sa mundo sina Eba at Adan. Ganoon na raw siya katanda.

Napantastikuhan siyempre si Lezzy. “Oh c’mon, NA, be serious naman, okay?  Kung ayaw mong sabihin ang tunay mong age—na hula ko’y 23-24—that’s fine with me. Next topic, please.”

“Nasaksihan ko ang ebolusyon ng tao. Beterano na ako ng mga digmaang-pandaigdig… Masakit ang ngipin ni Hitler nang mapatay.”

“Ha-ha-ha-haa! You’re really funny, NA.”

“Alam mo bang hindi sa Jurassic Age nabuhay ang mga dambuhalang dinosaurs? Mali ang mga tala ng historians at antropologo, Lezzy.”

“Ho-hummm. Ina­antok ako sa gimik mo, promise.”

Napaigtad si NA, napatingin sa orasan. “Holy smoke!”

“May problema ba, NA?”

“Dapat ko nang puntahan si Congressman Lucas, naka-schedule siya nga­yong gabi, sa harap ng bahay niya.”

“Naka-schedule…?”

“Got to go, Lezzy, trabaho.”

“Wait, Negro! I mean, NA, ano ba ang trabaho mo?”

“Saka mo na malalaman. Nagmamadali talaga ako. Sorry.”

Pagkababa ni Lezzy sa kotse ng binata, pinasibad na ni Negro Angelo ang sasakyan, super-bilis. BROOOMM.

Naiwan si Lezzy na napapailing.  Mailap sa kanya si Negro Angelo.

“Bakit mo ba iibigin agad?” Kinakausap siya ng sarili.

“Iniibig ko na si Negro, hindi iibigin pa lang,” sagot niya.

“Puwede ba ‘yon?  Ano ba ang kaibig-ibig sa Negrong ‘yon? There must be a reason bukod sa guwapong may kotse at nakatira sa class na condo. Huwag ka namang cheap, ‘no?”

“I love NA because…” Bakit nga ba niya iniibig si NA?

Walang makapang dahilan ang dalagang super-spoiled.”Because…”

Nagbalik sa cafeteria, bubulung-bulong. “Basta love ko na si Negro Angelo, walang tanung-tanong.”

Kinabukasan ay nabahala siya sa balita—sa telebisyon. “Narito po ang flash report. Nag­kabarilan sa harap ng bahay ni Congressman Lucas kagabi. Dalawa ang napatay ng congressman bago siya napatay ng dalawa pang sandatahang lalaki. Hindi na umabot sa ospital si Congressman Lucas…” (ITUTULOY)

vuukle comment

ADAN

ALAM

ANO

BAKIT

BETERANO

CONGRESSMAN LUCAS

DALAWA

JURASSIC AGE

NEGRO ANGELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with