^

Para Malibang

‘Sweet’ o ‘flirt’?

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong “Sweet 16”. Ako po’y talagang very sweet sa lalaki man o babaeng friends ko. Kaso, napagkakamalan akong flirt. May mga naiinggit sa akin sa school at tinatawag akong “malandi”. Hindi ko naman magawang magalit dahil hindi ko ugali iyon. Mula pagkabata ay very friendly po ako. Wala pa nga akong bf kahit mara­ming nanliligaw sa akin kaya paano ako magiging flirt? Kailangan ko po bang magalit at mag-react sa mga kumakalat na tsismis sa akin? Ano po kaya ang puwede kong gawin?

Dear Sweet 16,

Naniniwala ako sa kasabihang you can never put a good person down. Mabuti ‘yang ginagawa mo. May natural way ka para makaakit ng mga kaibigan. Talagang may mga taong kagaya mo na palakaibigan pero nabibigyan ng maling interpretation ang kanilang ugali. Puwede mong tanungin ang mga close friends mo kung ano ang dapat mong baguhin sa iyong sarili upang hindi ka matawag na flirt”. Kung minsan ay hindi natin nakikita ang tunay nating anyo at kailangan pa tayong punahin ng iba. Manatili kang sweet and friendly. Sa mga nagkakalat ng disinformation about you, manatili kang mabait sa kanila as if hindi ka ginagawan ng masama. Sabi nga, gantihan ng mabuti ang masama at tiyak makokonsensiya ang gumagawa nito sa’yo. 

Sumasaiyo,

Vanezza

 

ANO

DEAR SWEET

DEAR VANEZZA

KAILANGAN

KASO

MANATILI

MULA

NANINIWALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with