Kapalaran sa Oras ng Kapanganakan (10)
Birth Month: SEPTEMBER, OCTOBER, NOVEMBER
Oras ng kapanganakan:
9 AM to 11 AM—Ang buhay mo ay puno ng paglalakbay sa iba’t ibang lugar local man o abroad. At bawat lugar na puntahan mo ay may malaking tsansa na may makilala kang mayaman na tao na magiging tulay upang ikaw rin ay yumaman. Nasa kapalaran na makapag-aral o makapagtrabaho sa abroad.
11 AM to 1 PM—Yayaman pagsapit ng 45 to 65. May kapatid na lalaking nakahandang tumulong sa iyo sa lahat ng oras. Pagkakalooban ka ng mabubuti at tunay na mga kaibigan.
1 PM to 3 PM—Magiging maluwag ang pamumuhay sa middle age (45 to 65). Magdadala ng kaligayahan at magandang suwerte sa pamilya ang magiging anak at apong lalaki. Mas magiging masuwerte kung mag-aasawa habang nasa edad na 20s.
- Latest