^

Para Malibang

From Kuala Lumpur with love (14)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

PAKIRAMDAM ni Jayson, biniyayaan siya ng langit sa mga sandaling iyon. Akalain ba niyang ang dalagang Pinay—si Geraldine na big crush niya-- ay attracted din sa kanya?

At malapit na ito sa kanya after 3 days.

Heto nga’t nagtiwalang sumama sa kanya sa kanyang hotel room—dahil daw maraming ipagtatapat.

Pinuna kasi ni Jayson na si Geraldinre ay super-mahiwaga. Hindi raw ito kumakain ng kahit ano; iisa ang damit tuwing makikita niya; hindi nagdadala ng lady’s handbag.

At ang pinaka-super mystery ni Geraldine—ang dalagang ito ay walang anino. Wala as in Wala.

Naupo sila sa big sofa, magkatabi.

“Akbayan mo ako, Jayson. I’m cold.”

Nagiginaw daw e di inakbayan nga ni Jayson. Idinikit pa nga niya ang pisngi sa pisngi ng dalaga.

“Puwede bang…lovers na tayo?” May pakiusap sa tinig ni Geraldine.

Napaigtad si Jayson. Kung puwede ba raw magsyota na sila? “Oh God, puwedeng-puwede, Geraldine.”

Saka na ang mga tanong. Saka na ang pagtuklas sa hiwaga ng dalagang ito.

Inuna ni Jayson ang pananabik sa bagumbagong girlfriend. Niyakap niya ito agad, hinaplos at hinawakan sa magkabilang pisngi.

Tinitigan niya ang napakagandang mukha ni Geraldine. Ang mga labing nag-aanyaya, naghihintay.

He kissed her sa mga labi. Buong pagsuyo sa simula, buong init nang tumagal na.

Habol nila ang hininga nang maghiwalay ng mga labi.

Naupo silang muli sa sofa, medyo payapa na ang mga damdamin.

“Questions, Jayson. Handa kong sagutin hangga’t kaya ko.”

“Ipangako mong hindi ka mao-offend sa mga tanong ko.”

Tumango ang dalaga.

“First, bakit hindi ka ‘ka mo kumakain? Totoo ba ‘yan o sabi mo lang for whatever reason?”

“Totoong hindi ako kumakain, Jayson. Matagal na.”

“P-pero bakit?  Paano kung magkasakit ka?”

Pinormalan siya ng dalaga. “Hulaan mo.”  (ITUTULOY)

 

vuukle comment

AKALAIN

AKBAYAN

GERALDINE

JAYSON

NAUPO

OH GOD

SAKA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with