^

Para Malibang

From Kuala Lumpur with love (13)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“ALAM ko namang nahihiwagaan ka sa akin, Jayson. Napakaraming nais itanong,” malungkot na sabi ni Geraldine. Naglalakad na sila ni Jayson pabalik sa hotel.

“That’s right. Kung ituturing mo nga lang ba akong kaibigan, na nagmamalasakit at…”

“At nagkakagusto sa akin?” pagtutuloy ni Geraldine sa hindi tinapos na dialogue ni Jayson.

“Paano mo nahulaan?  I mean, matindi ang crush ko sa iyo—noon pa mang nasa eroplano tayo…”

Humilig na naman sa balikat ng binata ang dalaga habang sila ay naglalakad.  “Kailangan ko ng lakas mo, para hindi ako tuluyang panghinaan ng loob, Jayson.”

“Sana ay ibahagi mo na nga sa akin ang lahat-lahat mong problema, kasama na ang pagkawala ng anino mo.”

Napatingin sila sa nawawalang anino. Tuluyan na ngang tinakasan ng  anino si Lyka.

Sinarili ng dalaga ang ibig sabihin ng pagkawala ng anino. “Bilang na nga ang araw ko…”

“Marami akong ipagtatapat sa iyo, Jayson.”

“Kumbinsido ka nang ako’y kakampi mo?”

Tumango ang dalaga.  “Oo. Naghahabol ako ng panahon.”

“Excuse me?”

“Malalaman mo rin, I promise.” Pinisil ni Geral­dine ang kamay ni Jayson, buong ingat.

NASA 23rd floor na sila ng hotel. Saka nakaunawa si Jayson.  “Hey magkatabi pala ang rooms natin?”

Nagkibit-balikat ang dalaga.

“Geraldine…gusto mo ba akong imbitahan for a cup of coffee?”

“Jayson, ako ang imbitahan mo sa room mo. We need to talk.”

Excited na pinapasok agad ni Jayson ang dalaga.

“Coffee, tea or…”

Masuyong tinakpan ni Geraldine ng kamay ang bibig ng binata. “Jayson, may crush ka sa akin. Naa-attract naman ako sa iyo.”  (ITUTULOY)

BILANG

GERAL

GERALDINE

HUMILIG

JAYSON

KAILANGAN

KUMBINSIDO

LYKA

MALALAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with